Salmo 150
150
Salmo 150
1Purihin ang Panginoon!
Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.
Purihin siya sa langit,
ang kanyang matibay na tirahan.
2Purihin siya dahil
sa kanyang mga dakilang mga gawa.
Purihin siya dahil sa kanyang
kapangyarihang walang kapantay.
3Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!
Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!
4Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin
at sumayaw.
Purihin siya sa tugtog
ng mga instrumentong
may kuwerdas at mga plauta.
5Purihin siya sa matutunog
na mga pompyang.
Purihin siya sa mga taginting nito.
6Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!
Kasalukuyang Napili:
Salmo 150: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.