Salmo 16:1-6
Salmo 16:1-6 ASD
O Diyos, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong. Sinabi ko sa Panginoon, “Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.” Tungkol naman sa mga taong banal na nasa lupaing ito, lubos ko silang kinalulugdan. Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito. Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang kaaya-ayang taniman. Tunay na napakaganda ng pamana nʼyo sa akin.


