Mga Awit 16:1-6 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Awit 16:1-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos. Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.” Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan. Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunod-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila. Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!
Mga Awit 16:1-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)
O Diyos, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong. Sinabi ko sa PANGINOON, “Kayo ang aking PANGINOON. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.” Tungkol naman sa mga taong banal na nasa lupaing ito, lubos ko silang kinalulugdan. Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito. PANGINOON, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang kaaya-ayang taniman. Tunay na napakaganda ng pamana nʼyo sa akin.
Mga Awit 16:1-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos. Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.” Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan. Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunod-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila. Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!
Mga Awit 16:1-6 TLAB (Ang Biblia)
Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo. Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana.
Mga Awit 16:1-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon: Ako'y walang kabutihan liban sa iyo. Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: Iyong inaalalayan ang aking kapalaran. Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana.