Salmo 71:14-19
Salmo 71:14-19 ASD
Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo. Maghapon kong sasabihin na matuwid kayo at nagliligtas, kahit na hindi ko lubusang maunawaan. Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa, O Makapangyarihang Panginoon; Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan; Oo, kayo lamang. O Diyos, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon, inihahayag ko ito sa mga tao. At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok, huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos. Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon, at sa lahat ng mga darating sa hinaharap. O Diyos, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan nang lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

