Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Awit 71:14-19 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Awit 71:14-19 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ako naman, samantala ay patuloy na aasa, patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina. Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay, maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan; hindi ko man nalalaman kung paanong ito'y gawin. Pagkat ikaw, Panginoong Yahweh, malakas at makatuwiran, ihahayag ko sa madla, katangiang iyo lamang. Mula pa sa pagkabata ako'y iyong tinuruan, hanggang ngayo'y hinahayag ang gawa mong kabutihan. Matanda na't puti na ang aking buhok, huwag akong iiwanan, ang samo ko sa iyo, O Diyos. Hayaan mong ihayag ko ang lakas mong tinataglay, samahan sa bawat lahing sa daigdig ay lilitaw. Dakila ka, Panginoon, matuwid ka hanggang langit, dakila ang ginawa mo at wala kang makaparis.

Mga Awit 71:14-19 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo. Maghapon kong sasabihin na matuwid kayo at nagliligtas, kahit na hindi ko lubusang maunawaan. Ihahayag ko ang inyong mga kahanga-hangang gawa, O Makapangyarihang PANGINOON; Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan; Oo, kayo lamang. O Diyos, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon, inihahayag ko ito sa mga tao. At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok, huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos. Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon, at sa lahat ng mga darating sa hinaharap. O Diyos, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan nang lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

Mga Awit 71:14-19 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ako naman, samantala ay patuloy na aasa, patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina. Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay, maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan; hindi ko man nalalaman kung paanong ito'y gawin. Pagkat ikaw, Panginoong Yahweh, malakas at makatuwiran, ihahayag ko sa madla, katangiang iyo lamang. Mula pa sa pagkabata ako'y iyong tinuruan, hanggang ngayo'y hinahayag ang gawa mong kabutihan. Matanda na't puti na ang aking buhok, huwag akong iiwanan, ang samo ko sa iyo, O Diyos. Hayaan mong ihayag ko ang lakas mong tinataglay, samahan sa bawat lahing sa daigdig ay lilitaw. Dakila ka, Panginoon, matuwid ka hanggang langit, dakila ang ginawa mo at wala kang makaparis.

Mga Awit 71:14-19 TLAB (Ang Biblia)

Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.

Mga Awit 71:14-19 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Nguni't ako'y maghihintay na palagi, At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, At ng iyong pagliligtas buong araw; Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; Hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; Ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.