MGA AWIT 71:14-19
MGA AWIT 71:14-19 ABTAG
Nguni't ako'y maghihintay na palagi, At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, At ng iyong pagliligtas buong araw; Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; Hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; Ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo.

