Salmo 83
83
Salmo 83#83 Salmo 83 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf.
Ang Masasamang Bansa
1O Dios, huwag kayong manahimik.
Kumilos po kayo!
2Masdan ang inyong mga kaaway,
maingay silang sumasalakay at ipinagyayabang na mananalo sila.
3Nagbabalak sila ng masama laban sa inyong mga mamamayan na inyong kinakalinga.
4Sinabi nila, “Halikayo, wasakin natin ang bansang Israel upang makalimutan na siya magpakailanman.”
5At nagkasundo sila sa masamang plano nila.
Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo.
6Sila ay mga taga-Edom, mga Ishmaelita, mga taga-Moab, mga Hagreo,
7mga taga-Gebal, taga-Ammon, taga-Amalek, mga taga-Filistia at mga taga-Tyre.
8Kumampi rin sa kanila ang Asiria, isang bansang malakas na kakampi ng lahi ni Lot.#83:8 lahi ni Lot: Maaaring ang mga taga-Moab at Ammon.
9Talunin nʼyo sila Panginoon,
katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita at kina Sisera at Jabin doon sa Lambak ng Kishon.
10Namatay sila sa Endor at ang mga bangkay nilaʼy nabulok at naging pataba sa lupa.
11Patayin nʼyo ang mga pinuno nila katulad ng ginawa ninyo kina Oreb at Zeeb at kina Zeba at Zalmuna.
12Sinabi nila, “Agawin natin ang lupain ng Dios.”
13O Dios ko, ikalat nʼyo sila na parang alikabok o ipa na nililipad ng hangin.
14-15Tulad ng apoy na tumutupok sa mga puno sa kagubatan at kabundukan,
habulin nʼyo sila ng inyong bagyo at takutin ng malalakas na hangin.
16Hiyain nʼyo sila Panginoon hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo.
17Sana nga ay mapahiya at matakot sila habang buhay.
Mamatay sana sila sa kahihiyan.
18Para malaman nilang kayo, Panginoon, ang tanging Kataas-taasang Dios sa buong mundo.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 83: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.