Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 8:31-35

Mga Taga-Roma 8:31-35 ASD

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay. Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Kristo Hesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Diyos at namamagitan para sa atin. Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.

Bersikulong Larawan para sa Mga Taga-Roma 8:31-35

Mga Taga-Roma 8:31-35 - Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay. Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Kristo Hesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Diyos at namamagitan para sa atin. Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.