2 Mga Taga-Corinto 9
9
Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan
1Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga kapatid sa iglesya sa Judea. 2Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo silang sumigla sa pagtulong. 3Kaya't pinauna ko riyan ang mga kapatid na ito upang hindi kami mapahiya sa aming pagmamalaki tungkol sa inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa. 5Kaya't pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.
6Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. 7Ang#Ecc. 20:10-15. bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. 8Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9Tulad#Awit 112:9. ng nasusulat,
“Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;
ang kanyang katuwiran ay walang hanggan.”
10Ang#Isa. 55:10. Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13Ang bukás-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Kasalukuyang Napili:
2 Mga Taga-Corinto 9: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society