Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 1:1-3

Amos 1:1-3 MBB05

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Amos, isang pastol na taga-Tekoa. Ang mga bagay na tungkol sa Israel ay ipinahayag sa kanya ng Diyos dalawang taon bago lumindol. Si Uzias noon ang hari ng Juda, at si Jeroboam namang anak ni Joas ang hari ng Israel. Sinabi ni Amos, “Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig. Natutuyo ang mga pastulan, nalalanta pati ang mga damo sa Bundok Carmel.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco, kaya sila'y paparusahan ko. Pinagmalupitan nila ang Gilead, dinurog nila ito sa giikang bakal.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Amos 1:1-3