Amos 4
4
1Pakinggan ninyo ito, mga babae sa
Samaria na naglalakihang gaya ng mga baka ng Bashan,
na nang-aapi sa mahihina, nangingikil sa mahihirap,
at nag-uutos sa inyong mga asawa upang dalhan kayo ng inumin.
2Ang Panginoong Yahweh ay banal, at kanyang ipinangako:
“Darating ang araw na kayo'y huhulihin ng pamingwit.
Bawat isa sa inyo'y matutulad sa isdang nabingwit.
3Ilalabas kayo sa siwang ng pader
at kayo'y itatapon sa Harmon.”
Ang Pagmamatigas ng Israel
4“Mga mamamayan ng Israel,” sabi ng Panginoong Yahweh,
“Pumunta kayo sa Bethel at doo'y gumawa ng kasalanan!
Pumunta rin kayo sa Gilgal at dagdagan pa ang inyong mga kasalanan!
Magdala kayo ng mga hayop na ihahandog tuwing umaga;
magdala kayo ng ikasampung bahagi tuwing ikatlong araw.
5Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat;
ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog!
sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.
6“Ginutom#Kar. 12:2, 10. ko kayo sa bawat lunsod;
walang tinapay na makain sa bawat bayan,
gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
7Hindi ko rin pinapatak ang ulan
na kailangan ng inyong halaman.
Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi.
Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
8Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsod
ng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw.
Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
9“Sinira ko ang inyong pananim,
sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag.
Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo,
gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
10“Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto.
Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan;
inagaw ko ang inyong mga kabayo.
Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga,
subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
11“Pinuksa#Gen. 19:24. ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra.
Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy,
ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh.
12“Mga taga-Israel gagawin ko ito sa inyo,
kaya humanda kayong humarap sa inyong Diyos!”
13Siya ang lumikha ng mga bundok at ng hangin,
at ang nagpapahayag sa mga tao ng kanyang kaisipan.
Ginagawa niyang gabi ang araw;
siya ang naghahari sa buong sanlibutan.
Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang pangalan!
Kasalukuyang Napili:
Amos 4: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society