Ezra 2
2
Ang Listahan ng mga Bumalik na Bihag
(Neh. 7:4-73)
1Ito ang listahan ng mga dinalang-bihag sa lalawigan ng Babilonia na bumalik sa Jerusalem at sa kani-kanilang bayan sa Juda. Nanirahan ang kanilang mga pamilya sa Babilonia simula pa nang ang mga ito ay dalhing-bihag doon ni Haring Nebucadnezar. 2Sa kanilang pagbabalik pinangunahan sila nina Zerubabel, Josue, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana.
Ito ang bilang ng mga angkan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
3-20Ito ang listahan ng mga angkan ng Israelitang nakauwi:
Paros | 2,172 |
Sefatias | 372 |
Arah | 775 |
Pahat-moab (sa mga anak nitong sina Jeshua at Joab) | 2,812 |
Elam | 1,254 |
Zatu | 945 |
Zacai | 760 |
Bani | 642 |
Bebai | 623 |
Azgad | 1,222 |
Adonikam | 666 |
Bigvai | 2,056 |
Adin | 454 |
Ater (tinatawag ding Ezequias) | 98 |
Bezai | 323 |
Jora | 112 |
Hasum | 223 |
Gibar | 95 |
21-35Ito naman ang listahan ng mga angkang nakabalik na nakatira sa mga sumusunod na bayan:
Bethlehem | 123 |
Netofa | 56 |
Anatot | 128 |
Azmavet | 42 |
Jearim, Cafira at Beerot | 743 |
Rama at Geba | 621 |
Micmas | 122 |
Bethel at Hai | 223 |
Nebo | 52 |
Magbis | 156 |
Elam | 1,254 |
Harim | 320 |
Lod, Hadid, at Ono | 725 |
Jerico | 345 |
Senaa | 3,630 |
36-39Ito naman ang listahan ng mga angkan ng pari:
Jedaias (mula kay Jeshua) | 973 |
Imer | 1,052 |
Pashur | 1,247 |
Harim | 1,017 |
40-42Ito naman ang listahan ng mga angkan ng Levita: Jeshua at Kadmiel (mula kay Hodavias) 74 Mga mang-aawit (mula kay Asaf) 128 Mga bantay-pinto (mula kina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai) 139
43-54Ang mga manggagawa naman ng Templo na nakabalik mula sa pagkabihag ay ang mga angkan nina: Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Siaha, Padon, Lebana, Hagaba, Akub, Hagab, Samlai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaias, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Asnah, Meunim, Nefisim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsa, Barkos, Sisera, Tema, Nezias, at Hatifa.
55-57Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga sumusunod na angkan ng mga lingkod ni Solomon: Sotai, Hasoferet, Peruda, Jaala, Darkon, Gidel, Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Ami.
58Ang kabuuang bilang ng mga nagmula sa angkan ng mga manggagawa sa Templo at ng mga lingkod ni Solomon na bumalik mula sa pagkabihag ay 392.
59-60May 652 na buhat sa mga angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda ang bumalik mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adan, at Imer, kahit hindi nila napatunayan na sila'y mga Israelita.
61-62Hindi rin mapatunayan ng mga sumusunod na angkan ng mga pari ang kanilang pinagmulang lahi: Habaias, Hakoz, at Barzilai. Ang kauna-unahang ninuno ng angkang ito ay nakapag-asawa sa anak na babae ni Barzilai na Gileadita, kaya't ang pangalan ng kanilang angkan ay mula sa pangalan ng kanyang biyenan. Hindi sila ibinilang na mga pari sapagkat hindi nila napatunayan kung sino ang kanilang mga ninuno. 63Sinabihan#Bil. 27:21. sila ng tagapamahalang Judio na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing handog sa Diyos hanggang wala pang pari na maaaring sumangguni sa Urim at Tumim.
64-67Ang kabuuang bilang ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay 42,360. Ang kanilang mga utusang lalaki at babae ay 7,337. Ang mga manunugtog na lalaki at babae ay 200. Ang mga kabayo ay 736. Ang mga mola ay 245. Ang mga kamelyo ay 435. Ang mga asno ay 6,720.
68Nang dumating na sa Templo ni Yahweh sa Jerusalem ang mga bumalik mula sa pagkabihag, ilan sa mga pinuno ng mga angkan ang nagbigay ng kusang-loob na handog upang gamitin sa muling pagtatayo ng Templo sa dating kinatatayuan nito. 69Ibinigay nila ang buo nilang makakaya para sa gawaing ito, at ang kabuuang naipon ay 500 kilong ginto, 2,800 kilong pilak, at sandaang kasuotan ng mga pari.
70Ang#1 Cro. 9:2; Neh. 11:3. mga pari, ang mga Levita, at ang ilang mga tao ay nanirahan sa loob mismo ng lunsod ng Jerusalem at sa palibot nito. Ang mga manunugtog, ang mga bantay sa Templo, at ang mga manggagawa sa Templo ay nanirahan naman sa mga karatig-bayan. Ang ibang mga Israelita ay nanirahan sa mga bayang pinagmulan ng kani-kanilang mga ninuno.
Kasalukuyang Napili:
Ezra 2: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society