Isaias 57
57
Hinatulan ang Maling Pagsamba
1Ang taong matuwid kapag namamatay,
walang nakakaunawa at walang nakikialam;
ngunit siya'y kinukuha upang iligtas sa kapahamakan.
2Mapayapa ang buhay,
ng taong lumalakad sa katuwiran
kahit siya'y mamatay.
3Halikayo, mga makasalanan upang hatulan.
Wala kayong pagkakaiba sa mga mangkukulam,
nangangalunya at babaing masasama.
4Sino ba ang inyong pinagtatawanan?
Sino ba ang inyong hinahamak?
Mga anak kayo ng sinungaling.
5Sinasamba ninyo ang mga diyus-diyosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik
habang nasa ilalim ng mga punong ensina na ipinalalagay ninyong sagrado.
Sinusunog ninyo bilang handog ang inyong mga anak,
sa mga altar sa may libis, sa loob ng mga yungib.
6Makinis na bato'y sinasamba ninyo na tulad ng diyos,
kayo'y kumukuha ng pagkain at alak upang ihandog;
sa gawa bang ito, ako'y malulugod?
7Sa tuktok ng bundok,
kayo'y umaahon upang maghandog,
at makipagtalik.
8Pagpasok ng pinto,
nagtayo kayo roon ng diyus-diyosan,
ako'y nilimot ninyo at inyong nilayasan.
Lubos kayong nag-alis ng suot ninyong damit;
sa inyong higaa'y nakipagtalik sa mga lalaking inyong inupahan.
Kayo ay natulog na kasama nila para pagbigyan ang inyong pagnanasa.
9Kayo ay nagtungo sa hari#9 sa hari: o kaya'y kay Molec. na may dalang langis ng olibo,
at dinagdagan ninyo ang inyong pabango;
kayo ay nagsugo sa malayong lugar
at kayo mismo ang lumusong sa daigdig ng mga patay.
10Lubha kayong nagpagod sa maraming lakbayin,
at kailan ma'y hindi sinabi na wala na itong pag-asa.
Kayo ay nagpanibagong-lakas,
at dahil dito ay hindi nanghina.
11Ang tanong ni Yahweh, “Sino ba ang inyong kinatatakutan
kaya nagsinungaling kayo sa akin
at lubusang tumalikod?
Matagal ba akong nanahimik
kaya kayo tumigil ng pagpaparangal sa akin?
12Akala ninyo'y tama ang inyong ginagawa.
Ibubunyag ko ang masama ninyong gawa;
at tingnan ko lang kung tutulungan kayo ng mga diyus-diyosang iyan.
13Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy;
ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip,
kaunting ihip lamang, sila'y itataboy.
Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa,
ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”
Ang Pangakong Tulong at Pagpapagaling ng Diyos
14Ang sabi ni Yahweh:
“Ang mga hinirang ay inyong bayaang magbalik sa akin,
ang bawat hadlang sa daan ay inyong alisin; ang landas ay gawin at inyong ayusin.”
15“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos,
ang Diyos na walang hanggan.
Matataas at banal na lugar ang aking tahanan,
sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama,
aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
16Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan,
sila'y hindi ko patuloy na uusigin;
at ang galit ko sa kanila'y
hindi mananatili sa habang panahon.
17Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman,
kaya sila'y aking itinakwil.
Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.
18Sa kabila ng ginawa nila, sila'y aking pagagalingin at tutulungan,
at ang nagluluksa'y aking aaliwin.
19Bibigyan#Ef. 2:17. ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man.
Aking pagagalingin ang aking bayan.
20Ngunit ang masasama ay tulad ng dagat na laging maalon,
walang pahinga sa buong panahon;
mga burak at putik buhat sa ilalim ang iniaahon.
21Walang#Isa. 48:22. kapayapaan ang mga makasalanan.” Sabi ng aking Diyos.
Kasalukuyang Napili:
Isaias 57: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society