Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jonas 2

2
Ang Panalangin ni Jonas
1Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito:
2“Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo,
at sinagot ninyo ako.
Mula sa daigdig ng mga patay
ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
3Itinapon ninyo ako sa kalaliman;
sa pusod ng karagatan.
Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig,
at malalaking alon ang sa akin ay tumabon.
4Akala ko'y malayo na ako sa inyo,
at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo.
5Hinigop ako ng kalaliman,
hanggang sa tuluyang lumubog;
napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat.
6Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,
sa libingan ng mga patay.
Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
7Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,
naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,
at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.
8Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan
ay hindi naging tapat sa inyo.
9Ngunit aawit ako ng pasasalamat
at sa inyo'y maghahandog;
tutuparin ko ang aking mga pangako,
O Yahweh na aking Tagapagligtas!”
10Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.

Kasalukuyang Napili:

Jonas 2: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in