Mga Awit 34
34
Pagpuri Dahil sa Kabutihan ng Diyos
Katha#1 Sam. 21:13-15. ni David nang siya'y palayasin ni Abimelec matapos magkunwang nasisiraan siya ng bait.
1Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;
pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.
2Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!
3Ang kadakilaan niya ay ihayag,
at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!
4Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos,
inalis niya sa akin ang lahat kong takot.
5Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
6Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila'y iniligtas sa hirap at dusa.
7Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila'y kinukupkop.
8Tingnan#1 Ped. 2:3. mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;
mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
9Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,
nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.
10Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain;
ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
11Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan,
at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
12Sinong#1 Ped. 3:10-12. may gusto ng mahabang buhay;
sinong may nais ng masaganang buhay?
13Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.
14Mabuti ang gawi't masama'y layuan
pagsikapang kamtin ang kapayapaan.
15Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon,
sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
16Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,
at sa alaala, sila'y mawawala.
17Agad dinirinig daing ng matuwid;
inililigtas sila sa mga panganib.
18Tinutulungan niya, mga nagdurusa
at di binibigo ang walang pag-asa.
19Ang taong matuwid, may suliranin man,
sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.
20Kukupkupin#Jn. 19:36. siya nang lubus-lubusan,
kahit isang buto'y hindi mababali.
21Ngunit ang masama, ay kasamaan din
sa taglay na buhay ang siyang kikitil.
22Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas,
sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat!
Kasalukuyang Napili:
Mga Awit 34: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society