Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 88

88
Panalangin ng Paghingi ng Tulong
Isang Awit na katha ng angkan ni Korah, upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Mahalath Leanoth.#MAHALATH LEANOTH: Maaaring ang kahulugan ng mga salitang ito'y “mga plauta”. Isang Maskil#MASKIL: Tingnan ang Awit 32. ni Heman, na mula sa angkan ni Ezra.
1Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan.
2Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.
3Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema.
Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na.
4Ibinilang ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas.
5Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo'y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako nitong mga tao na iyong nilimot,
parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot.
6Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
na tulad ng libingan na ubod ng dilim.
7Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton,
ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah)#7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
8Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan,
hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan,
kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan.
9Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam,
kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw,
sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
10Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,
para purihin ka niyong mga patay? (Selah)#10 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
11Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag,
o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?
12Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita,
o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?
13Sa iyo, O Yahweh, ako'y nananangis at nananawagan,
sa tuwing umaga ako'y tumatawag sa iyong harapan.
14Di mo ako pansin, Yahweh, aking Diyos, di ka kumikibo.
Bakit ang mukha mo'y ikinukubli mo, ika'y nagtatago?
15Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay;
ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.
16Sa aking sarili, tindi ng galit mo'y aking nadarama,
ako'y mamamatay kundi ka hihinto ng pagpaparusa.
17Parang baha sila kung sumasalakay sa aking paligid,
sa buong maghapon kinukubkob ako sa lahat ng panig.
18Iyong pinalayo mga kaibigan pati kapitbahay;
ang tanging natira na aking kasama ay ang kadiliman.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 88: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in