I MGA CRONICA 26
26
Ang Pagkakabahagi ng mga Bantay ng Pinto
1Sa pagkakabahagi ng mga bantay ng pinto: sa mga Korahita, si Meselemia na anak ni Kora, sa mga anak ni Asaf.
2Si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;
3si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Eliehoenai ang ikapito.
4Si#2 Sam. 6:11; 1 Cro. 13:14 Obed-edom ay nagkaroon ng mga anak: si Shemaya ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joah ang ikatlo, si Sacar ang ikaapat, at si Natanael ang ikalima,
5si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, si Peulletai ang ikawalo; sapagkat pinagpala siya ng Diyos.
6Gayundin kay Shemaya na kanyang anak ay ipinanganak ang mga lalaking namuno sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, sapagkat sila'y mga lalaking may malaking kakayahan.
7Ang mga anak ni Shemaya: sina Othni, Rephael, Obed, at Elzabad, na ang mga kapatid ay magigiting na lalaki, sina Elihu at Samacias.
8Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalaking naaangkop sa paglilingkod; animnapu't dalawa kay Obed-edom.
9Si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na magigiting na lalaki, labingwalo.
10Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak na lalaki; si Simri ang pinuno (kahit na hindi siya panganay, ginawa siyang pinuno ng kanyang ama).
11Si Hilkias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacarias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labintatlo.
12Sa mga ito ang mga bahagi ng mga bantay-pinto, samakatuwid ay mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na namamahala sa bahay ng Panginoon.
13Sila'y nagpalabunutan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, hamak man o dakila, para sa kani-kanilang pinto.
14Ang palabunutan para sa dakong silangan ay napunta kay Shelemias. Nagpalabunutan din sila para kay Zacarias na kanyang anak na isang matalinong tagapayo at ang nabunot para sa kanya ay ang dakong hilaga.
15Ang kay Obed-edom ay ang dakong timog; at sa kanyang mga anak ay ang kamalig.
16Kay Suppim at kay Hosa ay ang dakong kanluran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daang paahon. Bawat tanod ay may katuwang na tanod.
17Sa dakong silangan ay anim na Levita, sa dakong hilaga ay apat araw-araw, sa dakong timog ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dala-dalawa.
18Sa parbar#26:18 Di tiyak ang kahulugan ng salitang parbar. sa dakong kanluran, apat sa daanan, at dalawa sa parbar.
19Ito ang mga bahagi ng mga bantay ng pinto sa mga Korahita, at sa mga anak ni Merari.
Ang Tagapamahala ng Kayamanan sa Templo
20Sa mga Levita, si Ahias ang namahala sa mga kayamanan ng bahay ng Diyos at sa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.
21Ang mga anak ni Ladan, ang mga anak ng mga Gershonita na nauukol kay Ladan; ang mga pinuno ng mga sambahayan ng mga ninuno na ukol kay Ladan na Gershonita; si Jehieli.
22Ang mga anak ni Jehieli: sina Zetam at Joel na kanyang kapatid ang nangasiwa sa mga kabang-yaman ng bahay ng Panginoon.
23Sa mga Amramita, sa mga Izarita, sa mga Hebronita, sa mga Uzielita—
24at si Sebuel na anak ni Gershom, na anak ni Moises, ay punong-tagapamahala sa mga kabang-yaman.
25Ang kanyang mga kapatid mula kay Eliezer ay si Rehabias na kanyang anak, at si Jeshaias na kanyang anak, si Joram na kanyang anak, si Zicri na kanyang anak, at si Shelomot na kanyang anak.
26Ang Shelomot na ito at ang kanyang mga kapatid ang namahala sa lahat ng kabang-yaman na nakatalagang bagay na itinalaga ni Haring David, at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng mga magulang, ng mga pinunong-kawal ng libu-libo at ng daan-daan, at ng mga pinunong-kawal ng hukbo.
27Mula sa mga samsam na pinanalunan sa pakikidigma ay kanilang itinalaga ang mga kaloob upang mapanatiling maayos ang bahay ng Panginoon.
28Gayundin ang lahat ng itinalaga ni Samuel na tagakita at ni Saul na anak ni Kish, at ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruia; ang lahat ng mga itinalagang kaloob ay nasa ilalim ng pag-iingat ni Shelomot at ng kanyang mga kapatid.
29Sa mga Izarita, si Kenanias at ang kanyang mga anak na lalaki ay itinalaga sa mga panlabas na tungkulin para sa Israel, bilang mga pinuno at mga hukom.
30Sa mga Hebronita, si Hashabias at ang kanyang mga kapatid na mga magigiting na lalaki, na isang libo't pitong daan, ay namahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kanluran na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.
31Sa mga Hebronita, si Jerias ang pinuno sa mga Hebronita, mula sa anumang salinlahi o mga sambahayan. Nang ikaapatnapung taon ng paghahari ni David, nagkaroon ng pagsisiyasat at may natagpuan sa kanilang magigiting na lalaki sa Jazer ng Gilead.
32Ang kanyang mga kapatid na mga magigiting na lalaki ay dalawang libo at pitong daan, mga pinuno ng mga sambahayan na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manases, sa lahat ng bagay na ukol sa Diyos, at sa mga bagay na ukol sa hari.
Kasalukuyang Napili:
I MGA CRONICA 26: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001