I MGA CRONICA 5
5
Ang mga Anak ni Ruben
1Ang#Gen. 35:22; 49:3, 4 mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagkat siya ang panganay; ngunit dahil kanyang dinungisan ang higaan ng kanyang ama, ang kanyang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; kaya't siya'y hindi nakatala sa talaan ng lahi ayon sa pagkapanganay;
2bagaman#Gen. 49:8-10 si Juda'y naging malakas sa gitna ng kanyang mga kapatid, at sa kanya nanggaling ang pinuno ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.)
3Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Fallu, Hesron, at Carmi.
4Ang mga anak ni Joel ay sina Shemaya na kanyang anak, si Gog na kanyang anak, si Shimei na kanyang anak,
5si Micaias na kanyang anak, si Reaya na kanyang anak, si Baal na kanyang anak,
6si#2 Ha. 15:29 Beerah na kanyang anak, na dinalang-bihag ni Tilgat-pilneser na hari sa Asiria; siya'y pinuno ng mga Rubenita.
7At ang kanyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacarias,
8si Bela na anak ni Azaz, na anak ni Shema, na anak ni Joel, na naninirahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon.
9Siya ay nanirahan din sa dakong silangan hanggang sa pasukan sa disyerto na mula sa ilog Eufrates, sapagkat ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Gilead.
10At sa mga araw ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagrita, na nahulog sa kanilang kamay. Sila'y nanirahan sa kanilang mga tolda sa buong lupain sa silangan ng Gilead.
Ang mga Anak ni Gad
11Ang mga anak ni Gad ay nanirahan sa tapat nila sa lupain ng Basan hanggang sa Saleca:
12si Joel na pinuno, si Shafan ang ikalawa, si Janai, at si Shafat sa Basan.
13At ang kanilang mga kapatid ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang: sina Micael, Mesulam, Seba, Jorai, Jachan, Zia, at Eber, pito.
14Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Gilead, na anak ni Micael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz;
15si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.
16Sila'y nanirahan sa Gilead sa Basan, at sa kanyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Sharon, na kasinlayo ng kanilang mga hangganan.
17Ang lahat ng mga ito'y napatala sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga araw ni Jotam na hari ng Juda, at sa mga araw ni Jeroboam na hari ng Israel.
Ang mga Digmaan ng mga Lipi na Nasa Jordan
18Ang mga anak ni Ruben, ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases ay may matatapang na lalaki na nagdala ng kalasag at tabak, namamana ng palaso, at bihasa sa pakikipagdigma. Sila ay apatnapu't apat na libo, pitong daan at animnapu na handa sa pakikipagdigma.
19Sila'y nakipagdigma sa mga Hagrita, kina Jetur, Nafis, at Nodab.
20Nang sila'y makatanggap ng tulong laban sa kanila, ang mga Hagrita at ang lahat sa kasama nila ay ibinigay sa kanilang kamay sapagkat sila'y nanalangin sa Diyos sa pakikipaglaban. At kanyang ipinagkaloob sa kanila ang kanilang hiling sapagkat sila'y nagtiwala sa kanya.
21Kanilang dinala ang kanilang mga hayop: ang limampung libo sa kanilang mga kamelyo, dalawandaan at limampung libong mga tupa, dalawang libong mga asno, at isandaang libong bihag.
22Maraming bumagsak at napatay sapagkat ang pakikipaglaban ay sa Diyos. At sila'y nanirahan sa kanilang lugar hanggang sa pagkabihag.
Ang mga Anak ng Kalahating Lipi ni Manases
23Ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay nanirahan sa lupain. Sila'y napakarami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon, Senir at sa Bundok ng Hermon.
24Ang mga ito ang mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang: sina Efer, Ishi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias, at Jadiel, matatapang na mandirigma, mga bantog na lalaki, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.
25Ngunit sila'y sumuway sa Diyos ng kanilang mga ninuno, at bumaling sa mga diyos ng mga bayan ng lupain na nilipol ng Diyos sa harap nila.
26Kaya't#2 Ha. 15:19; 2 Ha. 15:29; 2 Ha. 17:6 inudyukan ng Diyos ng Israel ang diwa ni Pul na hari ng Asiria at ang diwa ni Tilgat-pilneser na hari ng Asiria, at kanilang dinalang-bihag ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases. Dinala ang mga ito hanggang sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.
Kasalukuyang Napili:
I MGA CRONICA 5: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001