Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I PEDRO 1:13-16

I PEDRO 1:13-16 ABTAG01

Kaya't ihanda ninyo sa gawain ang inyong mga pag-iisip; na supilin ninyo ang inyong sarili at ilagak ang inyong pag-asa sa biyayang darating sa inyo kapag inihayag na si Jesu-Cristo. Tulad ng mga masunuring mga anak, huwag kayong gumaya sa masasamang pagnanasa ng inyong kamangmangan noong una. Sa halip, yamang banal ang sa inyo'y tumawag, maging banal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; sapagkat nasusulat, “Kayo'y maging banal, sapagkat ako'y banal.”