I TIMOTEO 2
2
Mga Panalangin sa Kapulungan
1Una sa lahat, ay isinasamo ko na gawin ang mga paghiling, mga panalangin, mga pamamagitan, at mga pagpapasalamat patungkol sa lahat ng mga tao;
2patungkol sa mga hari at sa lahat ng nasa mataas na katungkulan upang tayo'y mamuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at paggalang.
3Ito'y mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Diyos na ating Tagapagligtas;
4na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan.
5Sapagkat may isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
6na ibinigay ang kanyang sarili na pantubos sa lahat; na siyang patotoo sa tamang panahon.
7Para#2 Tim. 1:11 dito'y itinalaga ako na isang mangangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan,#2:7 Sa ibang mga kasulatan ay katotohanan kay Cristo. hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Hentil sa pananampalataya at katotohanan.
8Ibig ko ngang ang mga lalaki ay manalangin sa bawat dako, na itinataas ang kanilang mga banal na kamay na walang galit at pag-aalinlangan.
9Gayundin#1 Ped. 3:3 naman, na ang mga babae ay dapat na magdamit na may kahinhinan, naaangkop at hindi mahalay; hindi ng napapalamutiang buhok, at ng ginto o perlas o mamahaling damit;
10kundi ng mabubuting gawa na siyang nararapat sa mga babaing nagpapahayag ng paggalang sa Diyos.
11Hayaang ang babae'y matuto sa katahimikan na may buong pagpapasakop.
12Hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalaki, kundi tumahimik.
13Sapagkat#Gen. 2:7; Gen. 2:21, 22 si Adan ang unang nilalang, pagkatapos ay si Eva;
14at#Gen. 3:1-6 si Adan ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagkakasala.
15Ngunit ililigtas ang babae sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y mananatiling may kaayusan sa pananampalataya, pag-ibig at sa kabanalan.
Kasalukuyang Napili:
I TIMOTEO 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001