Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I TIMOTEO 3:1-8

I TIMOTEO 3:1-8 ABTAG01

Tapat ang salita: Kung ang sinuman ay naghahangad na maging obispo, siya ay nagnanais ng mabuting gawain. Kailangan na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isang babae, mapagpigil, matino ang pag-iisip, kagalang-galang, mapagpatuloy ng panauhin, mahusay magturo, hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi. Dapat ay pinamamahalaan niyang mabuti ang kanyang sariling sambahayan, sinusupil ang kanyang mga anak, at may lubos na paggalang. Sapagkat kung ang sinuman ay hindi marunong mamahala ng kanyang sariling sambahayan, paano niya pangangalagaan ang iglesya ng Diyos? Hindi isang bagong hikayat, baka siya magpalalo at mahulog sa kahatulan ng diyablo. Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo mula sa mga nasa labas, baka siya mahulog sa kahihiyan at bitag ng diyablo. Gayundin naman ang mga diakono ay dapat na maging kagalang-galang, hindi dalawang dila, hindi nalululong sa maraming alak, hindi mga sakim sa masamang pagkakakitaan

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa I TIMOTEO 3:1-8