II SAMUEL 20
20
Ang Paghihimagsik ni Seba
1Nagkataon#1 Ha. 12:16; 2 Cro. 10:16 na roon ay may isang masamang tao na ang pangala'y Seba, na anak ni Bicri, na Benjaminita. Kanyang hinipan ang trumpeta, at nagsabi, “Kami ay walang bahagi kay David, o anumang pamana sa anak ni Jesse; bawat tao ay sa kanyang mga tolda, O Israel!”
2Kaya't iniwan si David ng lahat ng mga lalaki ng Israel at sumunod kay Seba na anak ni Bicri. Ngunit ang mga anak ni Juda ay matatag na sumunod sa kanilang hari, mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem.
3At#2 Sam. 16:22 dumating si David sa kanyang bahay sa Jerusalem. Kinuha ng hari ang kanyang sampung asawang-lingkod na siyang iniwan niya upang pangalagaan ang bahay, at inilagay sila sa isang bahay na may bantay. Hinandaan sila ng pagkain ngunit hindi siya sumiping sa kanila. Sa gayo'y nasarhan sila hanggang sa araw ng kanilang kamatayan, na nabubuhay na parang mga balo.
4Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Amasa, “Tipunin mo sa akin ang mga lalaki ng Juda sa loob ng tatlong araw, at humarap ka rito.”
5Kaya't humayo si Amasa upang tipunin ang Juda; ngunit siya'y naantala nang higit kaysa panahong itinakda sa kanya.
6Sinabi ni David kay Abisai, “Si Seba na anak ni Bicri ay gagawa ng higit na masama kaysa ginawa ni Absalom. Kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon at habulin ninyo siya, baka siya'y makakuha ng mga may pader na lunsod at makatakas sa ating paningin.”
7At lumabas na kasama ni Abisai sina Joab, ang mga Kereteo, mga Peleteo, at ang lahat ng mga mandirigma. Sila'y lumabas sa Jerusalem upang habulin si Seba na anak ni Bicri.
8Nang sila'y nasa malaking bato na nasa Gibeon, si Amasa ay dumating upang salubungin sila. Si Joab ay may kasuotang pandigma, at sa ibabaw niyon ay ang pamigkis na may tabak sa kanyang kaluban na nakatali sa kanyang mga balakang. Samantalang siya'y lumalabas ito ay nahulog.
9At sinabi ni Joab kay Amasa, “Kumusta ka, kapatid ko?” At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kanyang kanang kamay upang hagkan siya.
10Ngunit hindi napansin ni Amasa ang tabak na nasa kamay ni Joab. Itinarak ito ni Joab sa katawan ni Amasa at lumuwa ang bituka nito sa lupa at ito ay namatay. Ito ay hindi na niya inulit pa. At hinabol nina Joab at Abisai na kanyang kapatid si Seba na anak ni Bicri.
11Isa sa mga tauhan ni Joab ay pumanig kay Amasa, at nagsabi, “Sinumang panig kay Joab, at sinumang para kay David, ay sumunod kay Joab.”
12Samantala, si Amasa ay nakahandusay sa gitna ng lansangan na naliligo sa sariling dugo. At sinumang magdaan at makakita sa kanya ay humihinto. Nang makita ng lalaki na ang lahat ng tao ay huminto, dinala niya si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuotan.
13Nang siya'y maialis sa lansangan, ang buong bayan ay sumunod kay Joab upang habulin si Seba na anak ni Bicri.
14Si Seba ay dumaan sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa Abel, hanggang sa Bet-maaca. At ang lahat na Berita ay nagtipun-tipon at sumunod sa kanya.
15Lahat ng taong kasama ni Joab ay dumating at kinubkob siya sa Abel ng Bet-maaca. Naglagay sila ng isang bunton laban sa lunsod, at ito ay tumayo laban sa kuta; at kanilang binundol ang kuta upang ito ay maibuwal.
16At sumigaw ang isang matalinong babae mula sa lunsod, “Makinig kayo! Makinig kayo! Sabihin ninyo kay Joab, ‘Pumarito ka upang ako'y makapagsalita sa iyo.’”
17Siya'y lumapit sa kanya at sinabi ng babae, “Ikaw ba'y si Joab?” Siya'y sumagot, “Ako nga.” At sinabi niya sa kanya, “Pakinggan mo ang mga salita ng iyong lingkod.” At siya'y sumagot, “Aking pinapakinggan.”
18At sinabi niya, “Sinasabi nang unang panahon, ‘Humingi sila ng payo kay Abel; sa gayo'y tinapos nila ang usapin.’
19Ako'y isa roon sa mga tahimik at tapat sa Israel. Sinisikap mong gibain ang isang lunsod na isang ina sa Israel. Bakit mo lulunukin ang pamana ng Panginoon?”
20Si Joab ay sumagot, “Malayo nawa sa akin, malayo nawa na aking lunukin o gibain.
21Hindi iyon totoo. Subalit isang lalaki sa lupaing maburol ng Efraim, na tinatawag na Seba na anak ni Bicri, ang nagtaas ng kanyang kamay laban sa Haring David. Ibigay mo lamang siya sa akin at ako'y aalis sa lunsod.” At sinabi ng babae kay Joab, “Ang kanyang ulo ay ihahagis ko sa iyo sa kabila ng kuta.”
22At ang babae ay lumapit sa mga tao na dala ang kanyang matalinong panukala. Kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bicri at inihagis papalabas kay Joab. Kanyang hinipan ang trumpeta at sila'y kumalat mula sa lunsod, bawat tao ay sa kanyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.
23Ngayo'y si Joab ang namumuno sa buong hukbo ng Israel; si Benaya na anak ni Jehoiada ang namumuno sa mga Kereteo at sa mga Peleteo;
24si Adoram ang namumuno sa sapilitang paggawa; si Jehoshafat na anak ni Ahilud ay tagasulat;
25si Seva ay kalihim; sina Zadok at Abiatar ay mga pari;
26at si Ira na taga-Jair ay pari rin ni David.
Kasalukuyang Napili:
II SAMUEL 20: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: