II SAMUEL 21
21
Pinatay ang mga Anak ni Saul
1Samantala, nagkaroon ng taggutom sa mga araw ni David, taun-taon sa loob ng tatlong taon; at nag-usisa si David sa Panginoon. At sinabi ng Panginoon, “May pagkakasala kay Saul at sa kanyang sambahayan, sapagkat kanyang ipinapatay ang mga Gibeonita.”
2Kaya't#Jos. 9:3-15 tinawag ng hari ang mga Gibeonita. Ang mga Gibeonita ay hindi mga anak ni Israel, kundi mula sa nalabi sa mga Amoreo. Bagaman ang mga anak ni Israel ay sumumpang iligtas sila, pinagsikapan ni Saul na patayin sila dahil sa kanyang sigasig para sa bayan ng Israel at Juda.
3At sinabi ni David sa mga Gibeonita, “Ano ang gagawin ko para sa inyo? At paano ko matutubos, upang inyong mabasbasan ang pamana ng Panginoon?”
4Sinabi ng mga Gibeonita sa kanya, “Hindi tungkol sa pilak o ginto ang namamagitan sa amin at kay Saul, o sa kanyang sambahayan. Hindi rin para sa amin na patayin ang sinumang tao sa Israel.” At kanyang sinabi, “Anumang sabihin ninyo ay aking gagawin sa inyo!”
5Kanilang sinabi sa hari, “Ang lalaking pumuksa sa amin at nagpanukalang lipulin kami, upang huwag kaming magkaroon ng lugar sa buong nasasakupan ng Israel,
6ay ibigay sa amin ang pito sa kanyang mga anak, upang aming ibitin sila sa harapan ng Panginoon sa Gibeon sa bundok ng Panginoon.” At sinabi ng hari, “Ibibigay ko sila.”
7Ngunit#1 Sam. 20:15-17; 2 Sam. 9:1-7 iniligtas ng hari si Mefiboset na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, dahil sa panata ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kina David at Jonathan na anak ni Saul.
8Kinuha#1 Sam. 18:19 ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na anak ni Aya, na kanyang ipinanganak kay Saul, sina Armoni at Mefiboset at ang limang anak ni Mical na anak na babae ni Saul na kanyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzilai, na Meholatita;
9at kanyang ibinigay sila sa mga kamay ng mga Gibeonita at kanilang ibinitin sila sa bundok sa harapan ng Panginoon, at magkakasamang namatay ang pito. Sila'y pinatay sa mga unang mga araw ng pag-aani, sa pasimula ng pag-aani ng sebada.
10Kumuha si Rispa na anak ni Aya ng isang magaspang na tela, at inilatag para sa kanyang sarili sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa ang ulan ay bumuhos mula sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa himpapawid na dumapo kapag araw o ang mga hayop sa parang kapag gabi.
11Nang sabihin kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aya, na babae ni Saul,
12humayo#1 Sam. 31:8-13 si David at kinuha ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa mga lalaki ng Jabes-gilead, na siyang nagnanakaw ng mga iyon sa liwasang-bayan ng Bet-shan, sa lugar na pinagbitinan sa kanila ng mga Filisteo, nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa.
13Kanyang kinuha mula roon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak; at kanilang tinipon ang mga buto ng mga ibinitin.
14Kanilang ibinaon ang mga buto nina Saul at Jonathan na kanyang anak sa lupain ng Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kanyang ama; at kanilang tinupad ang lahat na iniutos ng hari. Pagkatapos, ang Diyos ay tumugon sa dalangin para sa lupain.
Mga Pakikidigma Laban sa mga Filisteo
15Ang mga Filisteo ay muling nakipagdigma sa Israel; at si David ay lumusong kasama ang kanyang mga lingkod at sila'y lumaban sa mga Filisteo; at si David ay napagod.
16At si Isbibenob, na isa sa mga anak ng higante na ang bigat ng kanyang sibat ay tatlongdaang siklong tanso, na may bigkis ng bagong tabak ay nagpanukalang patayin si David.
17Ngunit#1 Ha. 11:36; Awit 132:17 sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Zeruia, at sinalakay ang Filisteo at pinatay siya. Nang magkagayo'y sumumpa sa kanya ang mga tauhan ni David, “Hindi ka na lalabas pang kasama namin sa labanan, baka mo patayin ang tanglaw ng Israel.”
18Pagkatapos nito, muling nagkaroon ng pakikipaglaban sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y pinatay ni Shibecai na Husatita si Saf, na isa sa mga anak ng higante.
19Muling nagkaroon ng pakikipaglaban sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaareoregim, na taga-Bethlehem, si Goliat na Geteo, na ang puluhan ng kanyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi.
20At muling nagkaroon ng labanan sa Gat, na roo'y may isang lalaking napakatangkad, na sa bawat kamay ay may anim na daliri, at sa bawat paa'y may anim na daliri, na dalawampu't apat ang bilang. Siya man ay mula sa mga higante.
21Nang kanyang tuyain ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Shimei, na kapatid ni David.
22Ang apat na ito ay buhat sa lahi ng higante sa Gat; at sila'y nabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kanyang mga lingkod.
Kasalukuyang Napili:
II SAMUEL 21: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: