AMOS 4
4
1“Pakinggan ninyo ang salitang ito, O mga baka ng Basan,
na nasa bundok ng Samaria,
na umaapi sa mga dukha,
na dumudurog sa mga nangangailangan,
na nagsasabi sa kanilang mga asawang lalaki, ‘Dalhin ninyo ngayon, upang kami'y makainom!’
2Ang Panginoong Diyos ay sumumpa sa pamamagitan ng kanyang kabanalan:
Ang mga araw ay tiyak na darating sa inyo,
na kanilang tatangayin kayo sa pamamagitan ng mga bingwit,
pati ang kahuli-hulihan sa inyo sa pamamagitan ng mga pamingwit.
3At kayo'y lalabas sa mga butas,
na bawat isa'y tuluy-tuloy sa harapan niya.
at kayo'y itatapon sa Harmon,” sabi ng Panginoon.
Ang Pagmamatigas ng Israel
4“Pumunta kayo sa Bethel, at sumuway kayo;
sa Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsuway,
dalhin ninyo ang inyong mga handog tuwing umaga,
at ang inyong mga ikasampung bahagi tuwing ikatlong araw;
5kayo'y maghandog ng alay ng pasasalamat na may pampaalsa,
at kayo'y maghayag ng mga kusang handog at inyong ipamalita ang mga iyon,
sapagkat gayon ang nais ninyong gawin,
O bayan ng Israel!” sabi ng Panginoong Diyos.
6“At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga lunsod,
at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako;
gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
7“At pinigil ko rin ang ulan sa inyo,
nang tatlong buwan na lamang at pag-aani na;
ako'y nagpaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan:
ang isang bukid ay inulanan, at ang bukid na hindi inulanan ay natuyo.
8Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ang gumala sa isang bayan
upang uminom ng tubig, at hindi napawi ang uhaw;

9“Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag.
Sinira ko ang inyong mga halamanan at ang inyong mga ubasan;
ang inyong mga puno ng igos at mga puno ng olibo ay nilamon ng balang;

10“Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Ehipto;
ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak,
kasama ang inyong mga kabayong nabihag;
at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampo hanggang sa mga butas ng inyong ilong;

11“Ibinuwal#Gen. 19:24 ko kayo
gaya nang ibinuwal ng Diyos ang Sodoma at Gomorra,
at kayo'y naging gaya ng nagniningas na kahoy na inagaw sa apoy;

12“Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, O Israel;
sapagkat aking gagawin ito sa iyo,
humanda ka sa pagsalubong sa iyong Diyos, O Israel!”
13Sapagkat, narito, siyang nag-aanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin,
at nagpapahayag sa tao kung ano ang kanyang iniisip;
na nagpapadilim ng umaga,
at yumayapak sa matataas na dako ng lupa—
ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo, ang kanyang pangalan!
Kasalukuyang Napili:
AMOS 4: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: