AMOS 5
5
Panawagan sa Pagsisisi
1Pakinggan ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, O sambahayan ni Israel:
2“Siya'y bumagsak na,
hindi na siya babangon pa, ang birhen ng Israel;
siya'y itinakuwil sa kanyang lupain,
walang magbangon sa kanya.”
3Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Ang lunsod na lumabas na isang libo ay magkakaroon ng isandaang maiiwan,
at ang lumabas na isandaan ay magkakaroon ng sampung maiiwan,
sa sambahayan ni Israel.”
4Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon sa sambahayan ni Israel,
“Hanapin ninyo ako, at kayo'y mabubuhay;
5ngunit huwag ninyong hanapin ang Bethel,
at huwag pumasok sa Gilgal,
ni dumaan sa Beer-seba;
sapagkat ang Gilgal ay tiyak na patungo sa pagkabihag,
at ang Bethel ay mauuwi sa wala.
6Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mabubuhay;
baka siya'y magsiklab na parang apoy sa sambahayan ni Jose,
at lalamunin nito ang Bethel, at walang makakapatay niyon.
7O kayo na ginagawa ninyong mapait na kahoy ang katarungan,
at inihahagis sa lupa ang katuwiran!
8Siya#Job 9:9; 38:31 na lumikha ng Pleyades at Orion,
at ang gabing malalim ay ginagawang umaga,
at pinadidilim ang araw upang maging gabi,
na tinatawag ang mga tubig ng dagat,
at ibinubuhos ang mga iyon sa ibabaw ng lupa
ang Panginoon ang kanyang pangalan;
9siya ang nagdadala ng biglang pagkawasak laban sa malakas,
anupa't ang pagkawasak ay dumarating sa tanggulan.
10Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuan,
at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng katotohanan.
11Kaya't yamang inyong niyayapakan ang dukha,
at pinagbubuwis ninyo siya ng trigo,
kayo'y nagtayo ng mga bahay na batong tinabas,
ngunit hindi ninyo iyon tatahanan;
kayo'y nagtanim ng magagandang ubasan,
ngunit hindi ninyo iinumin ang alak niyon.
12Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong mga pagsuway,
at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—
kayong nagpapahirap sa matuwid, kayo na kumukuha ng suhol,
at itinutulak sa isang tabi ng pintuan ang nangangailangan.
13Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong iyon;
sapagkat iyon ay masamang panahon.
14Hanapin ninyo ang mabuti at hindi ang masama,
upang kayo'y mabuhay;
at sa gayo'y ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo, ay magiging kasama ninyo,
gaya ng inyong sinasabi.
15Inyong kapootan ang masama,
at ibigin ang mabuti, at kayo'y magpairal ng katarungan sa pintuang-bayan.
Marahil ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo,
ay magiging mapagpala sa mga nalabi sa Jose.
16Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo, ang Panginoon:
“Magkakaroon ng panaghoy sa lahat ng mga liwasan,
at sila'y magsasabi sa lahat ng lansangan, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag!’
Kanilang tatawagin ang magbubukid upang magdalamhati,
at sa pagtangis ang mga bihasa sa panaghoy.
17At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy;
sapagkat ako'y daraan sa gitna mo,” sabi ng Panginoon.
18Kahabag-habag kayong nagnanais ng araw ng Panginoon!
Sa anong layunin ang araw ng Panginoon sa inyo?
Iyon ay kadiliman at hindi kaliwanagan,
19gaya ng isang tao na tumakas sa leon,
at sinalubong siya ng oso,
o pumasok sa bahay at ikinapit ang kanyang kamay sa dingding,
at isang ahas ang tumuka sa kanya.
20Hindi ba kadiliman ang araw ng Panginoon, at hindi kaliwanagan,
at kadiliman na walang ningning doon?
21“Aking#Isa. 1:11-14 kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan,
at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang pagtitipon.
22Bagaman inyong inihahandog sa akin ang inyong mga handog na sinusunog at mga handog na butil,
hindi ko iyon tatanggapin;
ni akin mang pagmamasdan
ang mga handog pangkapayapaan ng inyong mga pinatabang hayop.
23Ilayo mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit;
hindi ako makikinig sa himig ng iyong mga alpa.
24Kundi paagusin ninyo ang katarungan na parang tubig,
at ang katuwiran na parang batis na patuloy na umaagos.
25“Nagdala#Gw. 7:42, 43 ba kayo sa akin ng mga alay, at mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, O sambahayan ni Israel?
26Inyong dinala si Sakkuth na inyong hari, at si Kaiwan na inyong mga larawan, ang bituin ng inyong diyos, na inyong ginawa para sa inyong sarili.
27Kaya't kayo'y aking dadalhin sa pagkabihag sa kabila ng Damasco,” sabi ng Panginoon, na ang pangalan ay Diyos ng mga hukbo.
Kasalukuyang Napili:
AMOS 5: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: