“Pakinggan mo, O Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin at agawin ang mga bansang higit na dakila at makapangyarihan kaysa iyo, na mga bayang malaki at may pader hanggang sa langit, isang bayang malaki at mataas, mga anak ng Anakim na iyong nakikilala at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, ‘Sinong makakatayo sa harapan ng mga anak ni Anak?’ Alamin mo sa araw na ito na ang PANGINOON mong Diyos ay siyang mangunguna sa iyo na parang apoy na lumalamon. Kanyang pupuksain sila at kanyang payuyukurin sila sa harapan mo; sa gayo'y mapapalayas mo sila at mabilis mo silang malilipol na gaya ng sinabi sa iyo ng PANGINOON. “Huwag mong sasabihin sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng PANGINOON mong Diyos sa harapan mo, ‘Dahil sa aking pagiging matuwid ay dinala ako ng PANGINOON upang angkinin ang lupaing ito.’ Sa halip ay dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinapalayas sila ng PANGINOON sa harapan mo. Hindi dahil sa iyong pagiging matuwid o dahil sa katapatan ng iyong puso ay iyong pinapasok upang angkinin ang kanilang lupain, kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinapalayas sila ng PANGINOON mong Diyos sa harapan mo, at upang kanyang papagtibayin ang salita na ipinangako ng PANGINOON sa iyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac, at Jacob. “Alamin mo na hindi ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos ang mabuting lupaing ito upang angkinin ng dahil sa iyong pagiging matuwid; sapagkat ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.
Basahin DEUTERONOMIO 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: DEUTERONOMIO 9:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas