Nang ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pampang ng Ilog Chebar, ang langit ay nabuksan at ako'y nakakita ng mga pangitain ng Diyos. Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng Haring Jehoiakin, ang salita ng PANGINOON ay dumating kay Ezekiel na pari, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pampang ng Ilog Chebar; at doon ang kamay ng PANGINOON ay sumasakanya. Habang ako'y nakatingin, at narito, isang maunos na hangin ang lumabas mula sa hilaga. May isang malaking ulap na may apoy na patuloy na sumisiklab, may maningning na liwanag na nakapalibot dito at sa gitna ay may parang nagbabagang tanso sa gitna ng apoy.
Basahin EZEKIEL 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EZEKIEL 1:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas