EZEKIEL 15
15
Itinulad sa Baging na Ligaw ang Jerusalem
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, sa ano nakakalamang ang puno ng baging sa alinmang puno ng kahoy,
ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punungkahoy sa gubat?
3Makakakuha ba ng kahoy doon upang gawing anuman?
O makakakuha ba roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anumang kasangkapan?
4Iyon ay inihahagis sa apoy bilang panggatong.
Kapag natupok na ng apoy ang dalawang dulo niyon,
at ang gitna niyon ay nasusunog,
iyon ba'y mapapakinabangan pa?
5Narito, nang ito'y buo pa, hindi ito ginamit sa anuman,
gaano pa nga kaya, kapag ito'y natupok ng apoy at nasunog,
magagamit pa ba sa anumang gawain?
6Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Gaya ng puno ng baging sa gitna ng mga punungkahoy sa gubat, na aking ibinigay sa apoy bilang panggatong, gayon ko ibibigay ang mga naninirahan sa Jerusalem.
7Ihaharap ko ang aking mukha laban sa kanila; at bagaman sila'y makatakas sa apoy, tutupukin pa rin sila ng apoy. Inyong malalaman na ako ang Panginoon, kapag iniharap ko ang aking mukha laban sa kanila.
8At aking sisirain ang lupain, sapagkat sila'y gumawa ng kataksilan, sabi ng Panginoong Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 15: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001