EZEKIEL 23
23
Ang Magkapatid na Makasalanan
1Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, may dalawang babae na mga anak na babae ng isang ina;
3sila'y naging bayarang babae#23:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. sa Ehipto. Sila'y naging bayarang babae#23:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. sa panahon ng kanilang kabataan; doo'y pinisil ang kanilang mga suso at hinipo ang suso ng kanilang pagkadalaga.
4Ang pangalan ng nakatatanda ay Ohola#23:4 Tabernakulo niya. at si Oholiba#23:4 Tabernakulo ko sa kanya. ang kapatid niya. Sila'y naging akin at nanganak ng mga lalaki at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, si Ohola ay ang Samaria, at si Oholiba ay ang Jerusalem.
5“Si Ohola ay naging bayarang babae#23:5 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. nang siya'y akin; at siya'y umibig sa kanyang mga mangingibig na mga taga-Asiria,
6mga mandirigma na may damit na kulay ube, mga tagapamahala at mga pinuno, silang lahat ay mga binatang makikisig, mga mangangabayo na nakasakay sa mga kabayo.
7Ipinagkaloob niya sa kanila ang kanyang pagiging bayarang babae,#23:7 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. sa kanilang lahat na mga piling lalaki sa Asiria. Dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng lahat ng diyus-diyosan ng mga taong kanyang kinahumalingan.
8Hindi niya iniwan ang kanyang pagiging bayarang babae#23:8 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. na kanyang ginawa mula pa sa mga araw niya sa Ehipto, sapagkat sa kanyang kabataan, sila'y sumiping sa kanya at hinawakan nila ang suso ng kanyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang kahalayan sa kanya.
9Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng kanyang mga mangingibig, sa kamay ng mga taga-Asiria, na siya niyang kinahumalingan.
10Ang mga ito ang naglantad ng kanyang kahubaran. Kinuha nila ang kanyang mga anak na lalaki at babae at siya'y pinatay nila ng tabak. Siya'y naging tampulan ng paghamak sa mga babae nang ilapat sa kanya ang hatol.
11“Nakita ito ng kanyang kapatid na si Oholiba, gayunma'y siya'y higit na masama sa kanyang pagkahumaling, at sa kanyang pagiging bayarang babae,#23:11 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. na higit pa sa kanyang kapatid.
12Siya'y nahumaling sa mga taga-Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno sa kanyang mga kalapit, na nakadamit ng mga pinakamahusay sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, na silang lahat ay mga binatang makikisig.
13Aking nakita na siya'y nadungisan; kapwa nila tinahak ang iisang daan.
14At kanyang pinalago ang kanyang pagiging bayarang babae.#23:14 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. Siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga pader, mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan sa bermillon,
15na nabibigkisan sa kanilang mga balakang, na may nakabalot na mga putong sa kanilang mga ulo. Silang lahat ay parang mga pinuno ayon sa larawan ng mga taga-Babilonia na ang lupaing tinubuan ay Caldea.
16Nang makita niya sila ay nahumaling siya sa kanila at nagpadala ng mga sugo sa kanila sa Caldea.
17At sinipingan siya ng mga taga-Babilonia sa higaan ng pag-ibig, at kanilang dinungisan siya ng kanilang kahalayan. At pagkatapos na siya'y madungisan nila, lumayo siya sa kanila na may pagkainis.
18Nang ipagpatuloy niya nang hayagan ang kanyang mga pagpapakasama, at inilitaw niya ang kanyang kahubaran, may pagkainis akong lumayo sa kanya, gaya ng pagtalikod ko sa kanyang kapatid.
19Gayunma'y kanyang pinarami ang kanyang pagiging bayarang babae,#23:19 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. at inalaala ang mga araw ng kanyang kabataan, nang siya'y naging bayarang babae#23:19 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. sa lupain ng Ehipto.
20Siya'y nahumaling sa kanyang mga kalaguyo roon, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang ang lumalabas sa mga kabayo.
21Ganito mo kinasabikan ang kahalayan ng iyong kabataan, nang hipuin ng mga Ehipcio ang iyong mga dibdib at pisilin ang iyong mga suso.”
Ang Hatol ng Diyos sa Nakababatang Kapatid
22Kaya, O Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: “Aking ibabangon laban sa iyo ang iyong mga mangingibig na iyong nilayuang may pagkainis, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako:
23Ang mga taga-Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, Soa, Koa, at lahat ng taga-Asiria na kasama nila, na mga binatang makikisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga puno, at mga mandirigma, silang lahat ay nakasakay sa mga kabayo.
24At sila'y paparitong laban sa iyo na may mga karwahe, mga kariton, at napakaraming mga tao. Sila'y maghahanda laban sa iyo sa bawat panig na may mga pananggalang, kalasag at helmet. Aking ipauubaya ang hatol sa kanila, at kanilang hahatulan ka ayon sa kanilang mga kaugalian.
25Aking itutuon ang aking galit laban sa iyo, upang pakitunguhan ka nilang may poot. Kanilang puputulin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga, at ang nakaligtas sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak. Kanilang darakpin ang iyong mga anak na lalaki at babae; at ang mga nakaligtas sa iyo ay lalamunin ng apoy.
26Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong mga magagandang hiyas.
27Kaya't ganito ko wawakasan ang iyong kahalayan, at ang iyong pagiging bayarang babae#23:27 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. na dinala mo mula sa lupain ng Ehipto. Hindi ka na masasabik sa kanila#23:27 Sa Hebreo ay hindi mo itataas ang iyong mga mata. o alalahanin mo pa ang Ehipto kailanman.
28Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga kinapopootan mo, sa kamay ng mga nilayuan mong may pagkainis;
29at papakitunguhan ka nila na may poot, at aalisin ang lahat ng bunga ng iyong pagpapagal, at iiwan kang hubad at hubo, at ang kahubaran ng iyong pagiging bayarang babae#23:29 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. ay malalantad. Ang iyong kahalayan at ang iyong pagiging bayarang babae,#23:29 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
30ang nagdala nito sa iyo, sapagkat ikaw ay naging bayarang babae#23:30 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. sa mga bansa, at iyong dinumihan ang iyong sarili ng kanilang mga diyus-diyosan.
31Ikaw ay lumakad sa landas ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kanyang saro sa iyong kamay.
32Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Ikaw ay iinom sa kopa ng iyong kapatid,
na ito'y malalim at malaki;
ikaw ay pagtatawanan at kukutyain,
sapagkat marami itong laman.
33Ikaw ay malalasing at mamamanglaw.
Isang kopa ng lagim at kapahamakan
ang kopa ng iyong kapatid na Samaria;
34iyong iinumin at uubusin,
at iyong ngangatngatin ang mga piraso nito,
at lulurayin ang iyong dibdib;
sapagkat aking sinalita, sabi ng Panginoong Diyos.
35Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ako'y iyong nilimot, at tinalikuran mo ako, kaya't pasanin mo ang mga bunga ng iyong kahalayan at pagiging bayarang babae.”#23:35 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
Ang Parusa ng Panginoon sa Magkapatid
36Bukod dito'y sinabi ng Panginoon sa akin: “Anak ng tao, hahatulan mo ba si Ohola at si Oholiba? Kung gayo'y ipahayag mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam na gawain.
37Sapagkat sila'y nagkasala ng pangangalunya, at ang dugo ay nasa kanilang mga kamay. Kasama ng kanilang mga diyus-diyosan ay nagkasala sila sa pagsamba sa mga iyon, at pinadaan sa apoy ang kanilang mga anak na kanilang ipinanganak sa akin bilang pagkain nila.
38Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuwaryo nang araw ding iyon, at nilapastangan ang aking mga Sabbath.
39Sapagkat nang kanilang patayin ang kanilang mga anak bilang handog sa kanilang mga diyus-diyosan, pumunta sila nang araw ding iyon sa aking santuwaryo upang lapastanganin ito. Ganito ang kanilang ginawa sa aking bahay.
40Nagsugo pa sila ng mga taong nagmumula sa malayo, na siyang ipinasundo sa sugo, at sila'y dumating. Iyong pinaliguan ang iyong sarili para sa kanila, kinulayan mo ang iyong mga mata, at ginayakan mo ang iyong sarili;
41naupo ka sa isang magarang upuan, na may hapag na nakahanda sa harapan niyon, na siya mong pinaglapagan ng aking insenso at langis.
42Ang tunog ng maraming taong walang iniintindi ay nasa kanya; at kasama ng mga pangkaraniwang lalaki ay dinala ang mga maglalasing na mula sa ilang. Kanilang nilagyan ng mga pulseras ang mga kamay ng mga babae, at magagandang korona sa kanilang mga ulo.
43“Nang magkagayo'y sinabi ko, Hindi ba nangangalunya ngayon ang mga lalaki kapag sila'y nagpapaupa sa kanya?
44Sapagkat kanilang sinipingan siya, na parang sumiping sila sa isang upahang babae. Gayon nila sinipingan sina Ohola at Oholiba, mga masasamang babae.
45Ngunit ang matutuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan na may hatol sa mangangalunya, at ng hatol sa mga babae na nagpadanak ng dugo; sapagkat sila'y mangangalunya, at ang dugo ay nasa kanilang mga kamay.”
46Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: “Magdala ka ng isang hukbo laban sa kanila, at gagawin ko silang tampulan ng takot at pagsamsam.
47At babatuhin sila ng hukbo, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.
48Ganito ko wawakasan ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat ng mga babae ay mabalaan na huwag gumawa ng gayong kahalayan na inyong ginawa.
49At sisingilin ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong papasanin ang mga kaparusahan para sa inyong makasalanang pagsamba sa diyus-diyosan; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Diyos.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 23: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: