EZEKIEL 22
22
Ang Kasamaan ng Jerusalem
1Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“At ikaw, anak ng tao, hahatulan mo ba, hahatulan mo ba ang madugong lunsod? Kung gayo'y ipahayag mo sa kanya ang lahat niyang kasuklamsuklam na mga gawa.
3Iyong sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang lunsod na nagpapadanak ng dugo sa gitna niya, ang kanyang panahon ay dumating na, gumagawa ng mga diyus-diyosan upang dungisan ang kanyang sarili!
4Ikaw ay naging salarin sa pamamagitan ng dugo na iyong pinadanak, at ikaw ay dinungisan ng mga diyus-diyosan na iyong ginawa. Pinalapit mo ang iyong araw, at dumating na ang takdang panahon ng iyong mga taon. Kaya't ginawa kitang isang kahihiyan sa mga bansa, at pinagtatawanan ng lahat ng mga bansa.
5Tutuyain ka ng malalapit at ng malalayo sa iyo, ikaw na hindi tanyag at punô ng kaguluhan.
6“Narito, ang mga pinuno ng Israel sa inyo, bawat isa ayon sa kanyang kapangyarihan, ay nakatuon sa pagpapadanak ng dugo.
7Sa#Exo. 20:12; Deut. 5:16; Exo. 22:21, 22; Deut. 24:17 iyo'y hinamak ang ama't ina, sa gitna mo ay nagdaranas ng pang-aapi ang mga nakikipamayan, sa iyo'y ginagawan ng masama ang ulila at ang babaing balo.
8Iyong#Lev. 19:30; 26:2 hinamak ang aking mga banal na bagay at nilapastangan ang aking mga Sabbath.
9May mga tao sa iyo na naninirang-puri upang magpadanak ng dugo, at mga tao sa iyo na kumakain sa mga bundok, mga lalaking gumagawa ng kahalayan sa iyong kalagitnaan.
10Sa#Lev. 18:7-20 iyo'y kanilang inililitaw ang kahubaran ng kanilang mga ama; sa iyo'y pinagpakumbaba ang mga babae na marumi na sa kanilang karumihan.
11At ang isa'y gumagawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kanyang kapwa. Ang isa'y gumagawa ng kahalayan sa kanyang manugang na babae, at ang iba sa iyo'y sinipingan ng isa ang kanyang kapatid na babae na anak ng kanyang ama.
12Sa#Exo. 23:8; Deut. 16:19; Exo. 22:25; Lev. 25:36, 37; Deut. 23:19 iyo ay tumanggap sila ng suhol upang magpadanak ng dugo. Ikaw ay kumukuha ng patubo't pakinabang, at ikaw ay nakinabang sa iyong kapwa sa pamamagitan ng pang-aapi; at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Diyos.
13“Narito, kaya't aking inihampas ang aking kamay sa madayang pakinabang na iyong ginawa, at sa dugo na dumanak sa gitna mo.
14Makakatagal ba ang iyong tapang, o mananatili bang malakas ang iyong mga kamay sa mga araw na haharapin kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawin ko iyon.
15Aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa, at pagwawatak-watakin kita sa mga lupain; at aking lilinisin ang iyong karumihan sa gitna mo.
16At lalapastanganin mo ang iyong sarili sa paningin ng mga bansa, at iyong malalaman na ako ang Panginoon.”
Ang Hurno ng Panginoon
17At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
18“Anak ng tao, ang sambahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin. Silang lahat, pilak, tanso, lata, bakal at tingga sa hurno, ay naging dumi.
19Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat kayong lahat ay naging dumi, kaya't narito, aking titipunin kayo sa gitna ng Jerusalem.
20Kung paanong tinitipon ng mga tao ang pilak, tanso, bakal, tingga, at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ang apoy, upang tunawin ang mga iyon; gayon ko kayo titipunin sa aking galit at poot, at aking ilalagay kayo roon at tutunawin kayo.
21Aking titipunin kayo at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayo'y matutunaw sa gitna niyon.
22Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa hurno, gayon kayo matutunaw sa gitna niyon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbuhos ng aking poot sa inyo.”
Ang Kasamaan ng mga Pinuno ng Israel
23At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
24“Anak ng tao, sabihin mo sa kanya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa araw ng pagkagalit.
25Ang kanyang mga pinuno sa gitna niya ay gaya ng leong umuungal na niluluray ang biktima. Kanilang sinakmal ang mga tao. Kanilang kinuha ang kayamanan at mahahalagang bagay. Pinarami nila ang mga babaing balo sa gitna niya.
26Ang#Lev. 10:10 kanyang mga pari ay nagsigawa ng karahasan sa aking mga aral at nilapastangan ang aking mga banal na bagay. Hindi nila binigyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, o kanila mang itinuro ang kaibahan ng marumi sa malinis, at kanilang pinawalang-halaga ang aking mga Sabbath, kaya't ako'y nalapastangan sa gitna nila.
27Ang kanyang mga pinuno sa gitna niya ay parang mga asong-gubat na niluluray ang biktima, nagpapadanak ng dugo, nangwawasak ng mga buhay upang magkaroon ng madayang pakinabang.
28At pininturahan sila ng puti ng mga propeta na nakakakita ng huwad na mga pangitain, at nanghuhula ng mga kabulaanan para sa kanila, na nagsabi, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos,’ bagaman hindi nagsalita ang Panginoon.
29Ang mga tao ng lupain ay gumawa ng pang-aapi at pagnanakaw. Kanilang inapi ang dukha at nangangailangan, at kanilang inapi ang mga dayuhan at ito'y hindi naituwid.
30At ako'y humanap ng lalaki sa gitna nila na gagawa ng pader, at makakatayo sa sira sa harapan ko para sa lupain, upang huwag kong wasakin; ngunit wala akong natagpuan.
31Kaya't aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking tinupok sila ng apoy ng aking poot; ang kanilang sariling lakad ay aking siningil sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Diyos.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 22: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: