EZEKIEL 26
26
Ang Pahayag Laban sa Tiro
1Nang#Isa. 23:1-18; Joel 3:4-8; Amos 1:9, 10; Zac. 9:1-4; Mt. 11:21, 22; Lu. 10:13, 14 unang araw ng buwan na siyang ikalabing-isang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, sapagkat sinabi ng Tiro tungkol sa Jerusalem, ‘Aha, ang pintuan ng mga bayan ay wasak, iyon ay bumukas sa akin. Ako'y muling mapupuno ngayong siya'y wasak;
3kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako'y laban sa iyo, O Tiro, at aking pasasampahin ang maraming bansa laban sa iyo, gaya ng pagsampa ng dagat ng kanyang mga alon.
4Kanilang gigibain ang mga pader ng Tiro, at ibabagsak ang kanyang mga tore; at aking kakayurin ang kanyang lupa, at gagawin ko siyang hubad na bato.
5Siya'y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat; sapagkat aking sinalita, sabi ng Panginoong Diyos; at siya'y magiging samsam sa mga bansa.
6At ang kanyang mga anak na babae na nasa lupain ay papatayin ng tabak, at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
7“Sapagkat ganito ang sinasabi ng Panginoong Diyos: Narito, aking dadalhin sa Tiro, mula sa hilaga, si Nebukadnezar na hari ng Babilonia, na hari ng mga hari, na may mga kabayo at mga karwahe, may mga mangangabayo, at isang hukbo ng maraming kawal.
8Kanyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa lupain; at siya'y gagawa ng mga pader na pangkubkob laban sa iyo, at magtatayo ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng mga pananggalang laban sa iyo.
9Kanyang itutuon ang kanyang mga pambayo laban sa iyong mga pader, at sa pamamagitan ng kanyang mga palakol ay kanyang ibabagsak ang iyong mga muog.
10Magiging napakarami ang kanyang mga kabayo, anupa't tatakpan ka ng kanilang alabok. Ang iyong mga pader ay uuga sa ugong ng mga mangangabayo, mga kariton, at ng mga karwahe, kapag siya'y papasok sa iyong mga pintuan na gaya ng pagpasok ng tao sa isang lunsod na binutasan.
11Tatapakan ng mga paa ng kanyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan at ang matitibay mong haligi ay mabubuwal sa lupa.
12Kanilang sasamsamin ang iyong mga kayamanan, at nanakawin ang iyong kalakal. Kanilang ibabagsak ang iyong mga pader at gigibain ang iyong magagandang bahay. Ang iyong mga bato, kahoy at ang lupa ay ihahagis nila sa gitna ng dagat.
13Aking#Apoc. 18:22 patitigilin ang tinig ng iyong mga awit, at ang tunog ng iyong mga lira ay hindi na maririnig.
14At gagawin kitang hubad na bato. Ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na muling itatayo sapagkat akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Diyos.
15“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa Tiro: Hindi ba mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, kapag ang nasugatan ay dumaraing, kapag ang patayan ay ginawa sa gitna mo?
16Kung#Apoc. 18:9, 10 magkagayo'y bababa ang lahat ng mga pinuno sa dagat mula sa kanilang mga trono, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubarin ang kanilang mga damit na may burda. Sila'y mababalot ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig bawat sandali, at matatakot sa iyo.
17At mananaghoy sila para sa iyo, at sasabihin sa iyo,
‘Paano ka napahamak, O ikaw na tinatahanan mula sa karagatan,
O tanyag na lunsod,
na makapangyarihan sa dagat,
ikaw at ang iyong mga mamamayan,
na naglalapat ng pagkatakot sa iyo
sa lahat ng kanyang mga mamamayan!
18Ang mga pulo ngayon ay nayayanig
sa araw ng iyong pagbagsak;
oo, ang mga pulo na nasa dagat
ay natakot sa iyong pagyaon.’
19“Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kapag ikaw ay ginawa kong wasak na lunsod, gaya ng mga lunsod na walang naninirahan, kapag tinabunan kita ng kalaliman, at tinakpan ka ng maraming tubig;
20kung gayo'y ibababa kita na kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patitirahin kita sa malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong wasak na nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay hindi na tahanan, o magkaroon ng lugar sa lupain ng mga buháy, ngunit ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng mga buhay.
21Ako'y#Apoc. 18:21 magdadala sa inyo ng mga kakilakilabot at hindi ka na mabubuhay; ikaw ay mawawala na, bagaman ikaw ay hanapin, ay hindi ka na muling matatagpuan, sabi ng Panginoong Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 26: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: