EZEKIEL 27
27
Awit Punebre para sa Tiro
1Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“At ikaw, anak ng tao, managhoy ka para sa Tiro;
3at sabihin mo sa Tiro na naninirahan sa pasukan sa dagat, ang mangangalakal ng mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“O Tiro, sinabi mo,
‘Ako'y sakdal sa kagandahan.’
4Ang iyong mga hangganan ay nasa kalaliman ng mga dagat;
ginawang sakdal ang iyong kagandahan ng iyong mga tagapagtayo.
5Ang lahat mong mga tabla
ay mula sa mga puno ng abeto na mula sa Senir;
sila'y nagsikuha ng sedro mula sa Lebanon,
upang gumawa ng palo para sa iyo.
6Ginawa nilang iyong mga sagwan
ang mga ensina sa Basan;
kanilang ginawang mga bangko
ang mga puno ng pino mula sa mga pulo ng Chittim na balot ng garing.
7Pinong telang lino na may burda mula sa Ehipto
ang iyong layag
na nagsisilbing iyong watawat;
kulay asul at ube mula sa mga pulo ng Elisha
ang iyong karang.
8Ang mga naninirahan sa Sidon at Arvad
ay iyong mga tagasagwan;
ang iyong mga pantas na lalaki, O Tiro, ay nasa iyo,
sila ang iyong mga piloto.
9Ang matatanda sa Gebal at ang kanyang mga pantas na lalaki ay nasa iyo,
na inaayos ang iyong mga dugtungan;
ang lahat ng sasakyan sa dagat at lahat ng mga tauhan nito ay nasa iyo,
upang ipangalakal ang iyong paninda.
10“Ang Persia, Lud, at Put ay nasa iyong hukbo bilang iyong mga mandirigma. Kanilang ibinitin ang kalasag at helmet sa iyo; binigyan ka nila ng kariktan.
11Ang mga lalaki ng Arvad at ang iyong hukbo ay nasa ibabaw ng iyong mga pader sa palibot, at ang mga lalaki ng Gamad ay nasa iyong mga muog. Kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan.
12“Ang Tarsis ay nangalakal sa iyo dahil sa napakalaki mong kayamanan na iba't-ibang uri; ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinagpalit nila sa iyong mga kalakal.
13Ang Javan, Tubal, at Meshec ay nakipagkalakalan sa iyo; kanilang ipinagpalit ang mga tao at ang mga sisidlang tanso sa iyong mga kalakal.
14Ipinagpalit ng Bet-togarmah sa iyong mga kalakal ang kanilang mga kabayo at mga kabayong pandigma at mga mola.
15Ang mga tao sa Dedan ay nakipangalakal sa iyo. Ang maraming pulo ay naging iyong tanging pamilihan. Kanilang dinala bilang kabayaran ang mga sungay na garing at ebano.
16Nakipagkalakalan sa iyo ang Aram dahil sa dami ng iyong mga paninda. Sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay-ube, bagay na may burda, pinong telang lino, koral, at mga rubi.
17Nakipagkalakalan sa iyo ang lupain ng Juda at Israel. Sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo, olibo, pulot, langis, at balsamo.
18Nakipagkalakalan sa iyo ang Damasco dahil sa dami ng iyong mga paninda, dahil sa napakalaki mong kayamanan na iba't ibang uri; alak ng Helbon, at maputing lana.
19Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana; ng pundidong bakal, kasia, at ng kalamo.
20Nakipagkalakalan sa iyo ang Dedan ng telang upuan para sa pangangabayo.
21Ang Arabia at lahat ng prinsipe ng Kedar ay naging iyong mga mamimili ng mga kordero, mga lalaking tupa, at mga kambing. Sa mga ito'y nakipagkalakalan sila sa iyo.
22Ang mga mangangalakal ng Seba at Raama ay nakipagkalakalan sa iyo. Kanilang ipinagpalit sa iyong mga kalakal ang pinakamabuting uri ng lahat ng pabango, at lahat ng mahahalagang bato at ginto.
23Ang Haran, Canneh, at Eden, Ashur at ang Chilmad ay nakipagkalakalan sa iyo.
24Ang mga ito ay nakipagkalakalan sa iyo ng mga piling pananamit, mga damit na kulay asul at may burda, at mga alpombrang may kulay na natatalian ng mga sintas at ginawang matibay. Sa mga ito'y nakipagkalakalan sila sa iyo.
25Ang#Apoc. 18:11-19 mga sasakyan sa Tarsis ay naglakbay para sa iyong kalakal.
“Kaya't ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati
sa kalagitnaan ng mga dagat.
26Dinala ka ng iyong mga mananagwan
sa malawak na dagat.
Winasak ka ng hanging silangan
sa kalagitnaan ng dagat.
27Ang iyong kayamanan, ang iyong mga kalakal, ang iyong paninda,
ang iyong mga mananagwan, at ang iyong mga piloto,
ang iyong mga taga-ayos ng dugtong, at ang tagapagtinda ng iyong mga kalakal,
at ang lahat mong mandirigma na nasa iyo,
at ang lahat ng pangkat
na nasa gitna mo,
ay lulubog sa kalagitnaan ng dagat
sa araw ng iyong pagkawasak.
28Sa lakas ng sigaw ng iyong mga piloto,
ang mga nayon ay nayayanig,
29at pababa sa kanilang mga sasakyan
ay dumating ang lahat ng humahawak sa sagwan.
Ang mga marino at lahat ng mga piloto ng dagat
ay nakatayo sa pampang,
30at tumataghoy nang malakas sa iyo
at umiiyak na mainam.
Binuhusan nila ng alabok ang kanilang mga ulo,
at naglubalob sa mga abo;
31nagpakalbo sila dahil sa iyo,
at nagbigkis ng sako,
at kanilang iniyakan ka na may kapaitan ng kaluluwa,
at matinding pananangis.
32Bukod dito sa kanilang pagtangis ay nananaghoy sila para sa iyo,
at tinangisan ka:
‘Sino ang kagaya ng Tiro
na tulad niyang tahimik sa gitna ng dagat?
33Kapag ang iyong mga kalakal ay dumating mula sa mga dagat,
iyong binubusog ang maraming bayan;
iyong pinayaman ang mga hari sa lupa
ng karamihan ng iyong mga kayamanan at mga kalakal.
34Ngayo'y nawasak ka sa karagatan,
sa kalaliman ng mga tubig;
ang iyong kalakal at ang lahat mong mga tauhan
ay lumubog na kasama mo.
35Lahat ng naninirahan sa mga pulo
ay natitigilan dahil sa iyo;
at ang kanilang mga hari ay tunay na natakot,
sila'y nabagabag sa kaanyuan.
36Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan;
ikaw ay dumating sa isang kakilakilabot na wakas,
at hindi ka na mabubuhay pa magpakailanman.’”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 27: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: