EZEKIEL 28
28
Ang Pahayag Laban sa Hari ng Tiro
1Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Sapagkat ang iyong puso ay nagmamataas,
at iyong sinabi, ‘Ako'y diyos,
ako'y nakaupo sa upuan ng mga diyos, sa pusod ng mga dagat,’
gayunman ikaw ay tao lamang, at hindi Diyos,
bagaman ginawa mo ang iyong puso
na parang puso ng Diyos.
3Narito, ikaw ay higit na marunong kaysa kay Daniel;
walang lihim ang malilihim sa iyo;
4sa pamamagitan ng iyong karunungan at pagkaunawa
nagkaroon ka ng mga kayamanan para sa iyong sarili,
at nakapagtipon ka ng ginto at pilak
sa iyong mga kabang-yaman;
5sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan sa pangangalakal
napalago mo ang iyong kayamanan,
at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan—
6kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Sapagkat ginawa mo ang iyong puso
na parang puso ng Diyos,
7kaya't ako'y magdadala ng mga dayuhan sa iyo,
ang kakilakilabot sa mga bansa;
at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan,
at kanilang durungisan ang iyong kaningningan.
8Kanilang ibababa ka sa hukay;
at ikaw ay mamamatay ng kamatayan ng pinaslang
sa pusod ng mga dagat.
9Sabihin mo pa kaya sa harapan nila na pumapatay sa iyo, ‘Ako'y Diyos!’
bagaman ikaw ay tao lamang at hindi Diyos,
sa kamay nila na sumusugat sa iyo?
10Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli
sa pamamagitan ng kamay ng mga dayuhan;
sapagkat ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Diyos.”
Ang Panaghoy sa Hari ng Tiro
11Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na sinasabi,
12“Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tiro, at sabihin mo sa kanya, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Ikaw ang tatak ng kasakdalan,
punô ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.
13Ikaw ay nasa Eden na halamanan ng Diyos;
bawat mahahalagang bato ay iyong kasuotan,
ang sardio, topacio, diamante,
berilo, onix, jaspe,
zafiro, karbungko, at esmeralda;
at ang ginto at ang pagkayari ng iyong pandereta
at ng iyong mga plauta ay nasa iyo;
sa araw na ikaw ay lalangin
inihanda ang mga ito.
14Inilagay kita na may pinahirang kerubin na nagbabantay;
ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Diyos;
ikaw ay naglalakad sa gitna ng mga batong apoy.
15Ikaw ay sakdal sa iyong mga landas
mula sa araw na ikaw ay lalangin,
hanggang sa ang kasamaan ay matagpuan sa iyo.
16Dahil sa karamihan ng iyong kalakal
ay napuno ka ng karahasan, at ikaw ay nagkasala;
kaya't inihagis kita bilang maruming bagay mula sa bundok ng Diyos,
at winasak kita, O tumatakip na kerubin
mula sa gitna ng mga batong apoy.
17Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan;
iyong pinasama ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan.
Inihagis kita sa lupa;
aking inilantad ka sa harapan ng mga hari,
upang pagsawaan ka ng kanilang mga mata.
18Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan,
sa kalikuan ng iyong pangangalakal,
iyong nilapastangan ang iyong mga santuwaryo;
kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo;
tinupok ka niyon,
at ginawa kitang abo sa ibabaw ng lupa
sa paningin ng lahat ng nakakita sa iyo.
19Silang lahat na nakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan,
ay natigilan dahil sa iyo;
ikaw ay dumating sa isang kakilakilabot na wakas,
at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.”
Ang Pahayag Laban sa Sidon
20At#Joel 3:4-8; Zac. 9:1, 2; Mt. 11:21, 22; Lu. 10:13, 14 ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
21“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa Sidon, at magsalita ka ng propesiya laban sa kanya,
22at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
‘Narito, ako'y laban sa iyo, O Sidon,
at aking ipahahayag ang aking kaluwalhatian sa gitna mo.
At kanilang malalaman na ako ang Panginoon,
kapag ako'y naglapat ng hatol sa kanya,
at aking ipahayag ang aking kabanalan sa kanya.
23Sapagkat ako'y magpapadala sa kanya ng salot
at dugo sa kanyang mga lansangan;
at ang mga pinatay ay mabubuwal sa gitna niya,
sa pamamagitan ng tabak na nakaumang sa kanya sa lahat ng panig,
at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
24“At tungkol sa sambahayan ni Israel, hindi na magkakaroon pa ng tinik o dawag na mananakit sa kanila sa alinman sa nasa palibot nila na nakitungo sa kanila na may paglait. At kanilang malalaman na ako ang Panginoong Diyos.
Pagpapalain ang Israel
25“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kapag aking tinipon ang sambahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at aking ipahayag ang aking kabanalan sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na si Jacob.
26At sila'y maninirahang tiwasay doon, at sila'y magtatayo ng mga bahay, at magtatanim ng ubasan. Sila'y maninirahang tiwasay, kapag ako'y naglapat ng mga hatol sa lahat nilang kalapit-bayan na nakitungo sa kanila na may paglait. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 28: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: