EZEKIEL 29
29
Ang Pahayag Laban sa Ehipto
1Nang#Isa. 19:1-25; Jer. 46:2-26 ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan ng ikasampung taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari ng Ehipto, at magsalita ka ng propesiya laban sa kanya, at laban sa buong Ehipto.
3Magsalita ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Narito, ako'y laban sa iyo,
Faraong hari ng Ehipto,
ang malaking dragon na nakahiga sa
gitna ng kanyang mga ilog,
na nagsasabi, ‘Ang Nilo ko ay aking sarili,
at ako ang gumawa nito!’
4Maglalagay ako ng mga pangbingwit sa iyong mga panga,
at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis;
at iaahon kita mula sa gitna ng iyong mga ilog,
na kasama ng lahat ng isda ng iyong mga ilog
na dumidikit sa iyong mga kaliskis.
5At ikaw ay aking itatapon sa ilang,
ikaw at ang lahat ng isda sa iyong mga ilog;
ikaw ay mabubuwal sa parang;
at hindi titipunin, at ililibing.
Ibinigay kita bilang pagkain sa mga hayop sa lupa,
at sa mga ibon sa himpapawid.
6“At#Isa. 36:6 malalaman ng lahat ng naninirahan sa Ehipto na ako ang Panginoon. Sapagkat sila'y naging tukod na tambo sa sambahayan ni Israel;
7nang kanilang hawakan ka sa iyong kamay, iyong binali at winasak ang kanilang mga balikat. Nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian at pinanginig ang lahat nilang mga balakang.
8Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, dadalhan kita ng tabak, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.
9Ang lupain ng Ehipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. “Sapagkat iyong#29:9 Sa Hebreo ay kanyang. sinabi, ‘Ang Nilo ay akin, at ako ang gumawa nito;’
10kaya't narito, ako'y laban sa iyo at sa iyong mga sapa, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Ehipto, mula sa Migdol hanggang Syene, hanggang sa hangganan ng Etiopia.
11Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop na daraan doon. Ito'y hindi tatahanan sa loob ng apatnapung taon.
12Aking gagawing wasak ang lupain ng Ehipto sa gitna ng mga lupaing wasak; at ang kanyang mga lunsod sa gitna ng mga bansang giba ay magiging sira sa loob ng apatnapung taon. Aking pangangalatin ang mga Ehipcio sa gitna ng mga bansa, at aking pagwawatak-watakin sila sa mga lupain.
13“Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa katapusan ng apatnapung taon ay aking titipunin ang mga Ehipcio mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;
14at aking ibabalik uli ang kapalaran ng Ehipto, at aking ibabalik sila sa lupain ng Patros, sa lupain na kanilang pinagmulan; at sila doo'y magiging isang mababang kaharian.
15Siya'y magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na muling matataas pa nang higit kaysa mga bansa. At gagawin ko silang napakaliit na anupa't hindi na sila mamumuno sa mga bansa.
16At ito ay hindi na muling aasahan pa ng sambahayan ni Israel, na nagpapaalala ng kanilang kasamaan, nang sila'y humingi sa kanila ng tulong. At kanilang malalaman na ako ang Panginoong Diyos.”
Masasakop ang Ehipto
17Nang unang araw ng unang buwan ng ikadalawampu't pitong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
18“Anak ng tao, pinapagtrabaho nang mabigat ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia ang kanyang kawal laban sa Tiro. Bawat ulo ay kinalbo, at lahat ng balikat ay napaltos; gayunma'y wala siyang nakuhang anuman o ang kanyang hukbo man mula sa Tiro upang ipambayad sa paglilingkod na kanyang ipinaglingkod laban doon.
19Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Ehipto kay Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at dadalhin niya ang kanyang kayamanan. Kanyang sasamsaman ito at iyon ang magiging upa para sa kanyang hukbo.
20Ibinigay ko sa kanya ang lupain ng Ehipto bilang ganti sa kanya dahil sa kanyang ipinaglingkod, sapagkat sila'y gumawa para sa akin, sabi ng Panginoong Diyos.
21“Sa araw na iyon, aking palilitawin ang isang sungay upang umusli sa sambahayan ni Israel, at aking bubuksan ang iyong mga labi sa gitna nila. Kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 29: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: