EZEKIEL 44
44
Ang Tuntunin tungkol sa Pintuan sa Gawing Silangan
1Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa panlabas na pintuan ng santuwaryo na nakaharap sa dakong silangan; at ito'y nakasara.
2At sinabi ng Panginoon sa akin, “Ang pintuang ito ay mananatiling nakasara. Hindi ito bubuksan, at walang sinumang makakapasok dito; sapagkat ito'y pinasukan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel; kaya't ito'y mananatiling nakasara.
3Tungkol sa pinuno, siya ay uupo roon bilang pinuno upang kumain ng tinapay sa harapan ng Panginoon. Siya'y papasok sa daan ng bulwagan ng pintuan, at lalabas sa daan ding iyon.”
Ang mga Tuntunin sa Pagpasok sa Dambana
4Nang magkagayo'y kanyang dinala ako sa daan ng pintuan sa hilaga sa harapan ng bahay. Ako'y tumingin at nakita ko na napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon, at sumubsob ako sa lupa.
5At sinabi ng Panginoon sa akin, “Anak ng tao, tandaan mong mabuti, masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pandinig ang lahat ng aking sasabihin sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at sa lahat ng kautusan doon. Tandaan mong mabuti ang pasukan sa bahay at lahat ng labasan sa santuwaryo.
6Iyong sasabihin sa mapaghimagsik, sa sambahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: O kayong sambahayan ni Israel, tigilan na ninyo ang lahat ninyong mga kasuklamsuklam,
7sa inyong pagtanggap ng mga dayuhan na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang makapasok sa aking santuwaryo, na nilalapastangan ang aking bahay, kapag inyong inihahandog ang aking pagkain, ang taba at ang dugo. Sinira ninyo ang aking tipan, ito'y dagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.
8Hindi ninyo iningatan ang aking mga banal na bagay; kundi kayo'y naglagay ng mga dayuhan upang mangasiwa sa aking santuwaryo.
9“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Walang dayuhan na hindi tuli sa puso at sa laman, sa lahat ng mga dayuhang kasama ng bayang Israel, ang papasok sa aking santuwaryo.
10Ngunit ang mga Levita na lumayo sa akin, nang ang Israel ay tumalikod sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diyus-diyosan, ay magdaranas ng kanilang kaparusahan.
11Gayunman, sila'y magiging tagapangasiwa sa aking santuwaryo, mamamahala sa mga pintuan ng bahay at maglilingkod sa bahay. Kanilang kakatayin ang handog na sinusunog at ang alay para sa bayan, at kanilang aasikasuhin ang bayan upang paglingkuran sila.
12Sapagkat kanilang pinaglingkuran sila sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan, at naging katitisuran nila sa ikasasama ng sambahayan ni Israel. Kaya't ako'y sumumpa tungkol sa kanila, sabi ng Panginoong Diyos, at daranasin nila ang kanilang kaparusahan.
13Hindi sila lalapit sa akin upang maglingkod sa akin bilang pari, o lalapit man sa alinman sa aking mga banal na bagay at sa mga bagay na kabanal-banalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, dahil sa mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.
14Gayunma'y hihirangin ko silang tagapangasiwa ng bahay, upang gawin ang lahat nitong paglilingkod at lahat ng dapat gawin doon.
Ang mga Pari
15“Ngunit ang mga paring Levita na mga anak na lalaki ni Zadok, na nangangasiwa ng aking santuwaryo nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, ay lalapit sa akin upang maglingkod sa akin. Sila'y maglilingkod sa akin upang maghandog ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Diyos:
16Sila'y papasok sa aking santuwaryo, at sila'y lalapit sa aking hapag upang maglingkod sa akin at gagawin nila ang aking tagubilin.
17Kapag#Exo. 28:39-43; Lev. 16:4 sila'y papasok sa mga pintuan ng pinakaloob na bulwagan, magsusuot sila ng kasuotang telang lino. Hindi sila gagamit ng anumang lana habang sila'y nangangasiwa sa mga pintuan ng pinakaloob na bulwagan at sa loob.
18Sila'y magsusuot ng turbanteng lino sa kanilang mga ulo, at magtatapis ng telang lino sa kanilang mga balakang; hindi sila magbibigkis ng anumang nakapagpapapawis.
19Kapag#Lev. 16:23 sila'y lumabas sa panlabas na bulwagan, sa panlabas na bulwagang patungo sa mga tao, huhubarin nila ang kanilang mga kasuotan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid. Magsusuot sila ng ibang mga kasuotan, baka mahawa nila ng kabanalan ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan.
20Hindi#Lev. 21:5 nila aahitan ang kanilang mga ulo, ni pahahabain man ang kanilang buhok. Kanila lamang gugupitan ang buhok ng kanilang mga ulo.
21Hindi#Lev. 10:9 iinom ng alak ang sinumang pari kapag siya'y papasok sa pinakaloob na bulwagan.
22Hindi#Lev. 21:7, 13, 14 sila mag-aasawa ng babaing balo, o ng babaing hiwalay sa asawa, kundi sa isang birhen lamang sa lahi ng sambahayan ni Israel, o sa babaing balo na nabalo sa pari.
23Kanilang#Lev. 10:10 ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ituturo sa kanila kung paano bibigyan ng pagkakaiba ang marumi at malinis.
24Sa isang pagtatalo ay tatayo sila bilang mga hukom, at hahatulan nila iyon ayon sa aking mga hatol. Kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga tuntunin sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga Sabbath.
25Hindi#Lev. 21:1-4 nila dudungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paglapit sa isang patay na tao. Gayunman, para sa ama, o sa ina, o sa anak na lalaki o babae, sa kapatid na lalaki o babae na walang asawa, ay maaari nilang dungisan ang kanilang mga sarili.
26Pagkatapos na siya'y madungisan, sila'y bibilang ng pitong araw at siya'y magiging malinis.
27Sa araw na siya'y pumasok sa banal na dako, sa pinakaloob na bulwagan upang maglingkod sa santuwaryo, siya'y maghahandog ng kanyang handog pangkasalanan, sabi ng Panginoong Diyos.
Ang Bahagi ng mga Pari
28Sila'y#Bil. 18:20 hindi magkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana at hindi ninyo sila bibigyan ng ari-arian sa Israel; ako'y kanilang ari-arian.
29Sila'y#Bil. 18:8-19 kakain ng handog na butil, ng handog pangkasalanan, at ng handog dahil sa budhing maysala. Bawat bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.
30Ang una sa lahat na unang bunga ng bawat bagay, at bawat alay ng bawat bagay sa lahat ninyong mga handog ay magiging sa pari. Inyo ring ibibigay sa mga pari ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.
31Ang#Lev. 22:8 mga pari ay hindi kakain ng anumang bagay na namamatay sa kanyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 44: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: