EZEKIEL 45
45
Tuntunin tungkol sa Pagbabahagi ng Lupain
1Kapag inyong hinati sa pamamagitan ng palabunutan ang lupain bilang ari-arian, inyong itatalaga para sa Panginoon ang isang bahagi ng lupain bilang banal na lugar, ang haba ay dalawampu't limang libong siko, at ang luwang ay sampung libo. Ito'y magiging banal sa lahat ng hangganan nito sa palibot.
2Dito'y magkakaroon para sa santuwaryo ng lupang parisukat na limang daang siko ang haba at luwang na may limampung sikong bukas na lugar sa palibot niyon.
3At sa lugar na ito ay susukat kayo ng isang bahaging ang haba ay dalawampu't limang libong siko at ang luwang ay sampung libong siko. Ito ang magiging lugar ng santuwaryo, ang kabanal-banalang dako.
4Ito ang magiging banal na bahagi ng lupain; ito'y para sa mga pari na nangangasiwa sa santuwaryo at nagsisilapit sa Panginoon upang maglingkod sa kanya. Ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay at banal na dakong kalalagyan ng santuwaryo.
5Ang ibang bahagi na dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang luwang ay magiging para sa mga Levita na naglilingkod sa templo, upang maging kanilang pag-aari bilang mga bayan na tatahanan.
6“Sa tabi ng bahaging itinalaga bilang banal na lugar ay maglalagay kayo upang maging pag-aari ng bayan, ng isang bahagi na limang libong siko ang luwang at dalawampu't limang libong siko ang haba. Ito'y para sa buong sambahayan ni Israel.
Ang Lupain ukol sa Pinuno ng Israel
7“Para sa pinuno ay mapupunta ang lupain sa magkabilang dako ng banal na lugar at pag-aari ng lunsod, katabi ng banal na lugar at ng pag-aari ng bayan, sa kanluran at sa silangan. Ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kanluran hanggang sa hangganang silangan.
8Ito'y magiging kanyang pag-aari sa Israel. Hindi na aapihin pa ng aking mga pinuno ang aking bayan, kundi ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi.
Ang mga Tuntunin para sa Pinuno
9“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Tama na, O mga pinuno ng Israel! Alisin ninyo ang karahasan at pang-aapi, at magsagawa kayo ng katarungan at katuwiran. Ihinto na ninyo ang pagpapaalis sa aking bayan, sabi ng Panginoong Diyos.
10“Kayo'y#Lev. 19:36 magkakaroon ng mga tamang timbangan, tamang efa, at tamang bat.
11Ang efa at ang bat ay magiging iisang takalan, ang bat ay maglalaman ng ikasampung bahagi ng isang omer, at ang efa ay ikasampung bahagi ng isang omer: ang omer ang maging pamantayan ng panukat.
12At ang siklo ay magiging dalawampung gera; dalawampung siklo, dalawampu't limang siklo, at labinlimang siklo ay siyang magiging maneh ninyo.
13“Ito ang alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang omer ng trigo; at ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang omer ng sebada;
14ang takdang bahagi ng langis, ng bat ng langis, ang ikasampung bahagi ng bat mula sa bawat koro (ang koro, gaya ng omer, ay may sampung bat);
15at isang batang tupa mula sa bawat kawan na dalawandaan, mula sa mga masaganang pastulan ng sambahayan ng Israel. Ito ang handog na butil, handog na susunugin, at handog pangkapayapaan, upang ipantubos sa kanila, sabi ng Panginoong Diyos.
16Ang buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa pinuno sa Israel.
17Magiging tungkulin ng pinuno na magbigay ng mga handog na sinusunog, mga handog na butil, mga inuming handog, sa mga kapistahan, sa mga bagong buwan, sa mga Sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sambahayan ni Israel. Siya'y maghahanda ng handog pangkasalanan, handog na butil, handog na sinusunog, at ng mga handog pangkapayapaan upang ipantubos sa sambahayan ni Israel.
Mga Kapistahan
18“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa unang araw ng unang buwan, kukuha ka ng batang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuwaryo.
19At ang pari ay kukuha ng dugo ng handog pangkasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng templo, sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuan ng pinakaloob ng bulwagan.
20Gayundin ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawat nagkakasala dahil sa pagkakamali o kawalang-malay; gayon ninyo tutubusin ang bahay.
21“Sa#Exo. 12:1-20; Bil. 28:16-25 ikalabing-apat na araw ng unang buwan, magdiriwang kayo ng paskuwa, isang kapistahan sa loob ng pitong araw. Tinapay na walang pampaalsa ang kakainin sa loob ng pitong araw.
22Sa araw na iyon ay maghahanda ang pinuno para sa kanya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro bilang handog pangkasalanan.
23Sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na sinusunog ang Panginoon, pitong guyang toro at pitong lalaking tupa na walang kapintasan sa araw-araw sa loob ng pitong araw; at isang lalaking kambing araw-araw bilang handog pangkasalanan.
24Siya'y maghahanda ng handog na butil, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa.
25Sa#Lev. 23:33-36; Bil. 29:12-38 ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, at sa loob ng pitong araw ng kapistahan, gagawin niya ang gayunding paghahanda para sa handog pangkasalanan, handog na sinusunog, at handog na butil, at para sa langis.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 45: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: