Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZRA 2

2
Ang Talaan ng mga Bumalik mula sa Pagkabihag
(Neh. 7:4-73)
1Ngayon ito ang mga mamamayan ng lalawigan na dumating mula sa mga bihag na dinala sa Babilonia ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia. Sila'y bumalik sa Jerusalem at sa Juda, ang bawat isa'y sa kanyang sariling bayan.
2Sila'y dumating na kasama nina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana. Ang bilang ng mga lalaki ng sambayanang Israel ay ito:
3ang mga anak#2:3 Sa Hebreo ay anak na lalaki. ni Paros, dalawang libo isandaan at pitumpu't dalawa.
4Ang mga anak ni Shefatias, tatlong daan at pitumpu't dalawa.
5Ang mga anak ni Arah, pitong daan at pitumpu't lima.
6Ang mga anak ni Pahatmoab, na ito ay mga anak ni Jeshua at Joab, dalawang libo walong daan at labindalawa.
7Ang mga anak ni Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
8Ang mga anak ni Zatu, siyamnaraan at apatnapu't lima.
9Ang mga anak ni Zacai, pitong daan at animnapu.
10Ang mga anak ni Bani, animnaraan at apatnapu't dalawa.
11Ang mga anak ni Bebai, animnaraan at dalawampu't tatlo.
12Ang mga anak ni Azgad, isang libo dalawandaan at dalawampu't dalawa.
13Ang mga anak ni Adonikam, animnaraan at animnapu't anim.
14Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limampu't anim.
15Ang mga anak ni Adin, apatnaraan at limampu't apat.
16Ang mga anak ni Ater, samakatuwid ay si Hezekias, siyamnapu't walo.
17Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawampu't tatlo.
18Ang mga anak ni Jora, isandaan at labindalawa.
19Ang mga anak ni Hasum, dalawandaan at dalawampu't tatlo.
20Ang mga anak ni Gibar, siyamnapu't lima.
21Ang mga anak ng Bethlehem, isandaan at dalawampu't tatlo.
22Ang mga kalalakihan ng Netofa, limampu't anim.
23Ang mga kalalakihan ng Anatot, isandaan at dalawampu't walo.
24Ang mga anak ni Azmavet, apatnapu't dalawa.
25Ang mga anak ng Kiryat-jearim, Cefira, at ng Beerot, pitong daan at apatnapu't tatlo.
26Ang mga anak ng Rama at ng Geba, animnaraan at dalawampu't isa.
27Ang mga kalalakihan ng Mikmas, isandaan at dalawampu't dalawa.
28Ang mga kalalakihan ng Bethel at ng Ai, dalawandaan at dalawampu't tatlo.
29Ang mga anak ng Nebo, limampu't dalawa.
30Ang mga anak ng Magbis, isandaan at limampu't anim.
31Ang mga anak ng isa pang Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
32Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawampu.
33Ang mga anak ng Lod, Hadid, at Ono, pitong daan at dalawampu't lima.
34Ang mga anak ng Jerico, tatlong daan at apatnapu't lima.
35Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo animnaraan at tatlumpu.
36Ang mga pari: ang mga anak ni Jedias, sa sambahayan ni Jeshua, siyamnaraan at pitumpu't tatlo.
37Ang mga anak ni Imer, isang libo at limampu't dalawa.
38Ang mga anak ni Pashur, isang libo dalawandaan at apatnapu't pito.
39Ang mga anak ni Harim, isang libo at labimpito.
40Ang mga Levita: ang mga anak nina Jeshua at Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitumpu't apat.
41Ang mga mang-aawit: ang mga anak ni Asaf, isandaan at dalawampu't walo.
42Ang mga anak ng mga bantay-pinto: ang mga anak ni Shallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Akub, ang mga anak ni Hatita, at ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isandaan at tatlumpu't siyam.
43Ang mga lingkod sa templo:#2:43 Sa Hebreo ay nethinim. ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasufa, ang mga anak ni Tabaot,
44ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Siaha, ang mga anak ni Padon;
45ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Akub;
46ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan;
47ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar, ang mga anak ni Reaya;
48ang mga anak ni Rezin, ang mga anak ni Nekoda, ang mga anak ni Gazam;
49ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea, ang mga anak ni Besai;
50ang mga anak ni Asnah, ang mga anak ng Meunim, ang mga anak ng Nefusim;
51ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacufa, ang mga anak ni Harhur;
52ang mga anak ni Bazlut, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
53ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
54ang mga anak ni Nesia, at ang mga anak ni Hatifa.
55Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soferet, ang mga anak ni Peruda;
56ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Giddel;
57ang mga anak ni Shefatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hazzebaim, at ang mga anak ni Ami.
58Lahat ng mga lingkod sa templo#2:58 Sa Hebreo ay nethinim. at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu't dalawa.
59At ang mga sumusunod ang mga pumunta mula sa Telmelah, Telharsa, Kerub, Adan, at Imer, bagaman hindi nila mapatunayan ang mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, o ang kanilang pinagmulang lahi, kung sila'y kabilang sa Israel:
60ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nekoda, animnaraan at limampu't dalawa.
61Gayundin sa mga anak ng mga pari: ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz, at ang mga anak ni Barzilai, na nag-asawa sa mga anak ni Barzilai na taga-Gilead, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
62Hinanap ng mga ito ang kanilang mga pangalan ayon sa talaan ng kanilang salinlahi, ngunit ang mga iyon ay hindi natagpuan doon. Kaya't sila'y ibinilang na marurumi at inalis sa pagkapari.
63Sinabi#Bil. 27:21 sa kanila ng tagapamahala na sila'y huwag kakain ng kabanal-banalang pagkain, hanggang sa magkaroon ng isang pari na sasangguni sa Urim at Tumim.
64Ang buong kapulungan ay apatnapu't dalawang libo tatlong daan at animnapu,
65bukod sa kanilang mga aliping lalaki at babae, na may pitong libo tatlong daan at tatlumpu't pito, at sila'y mayroong dalawandaang mang-aawit na lalaki at babae.
66Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu't anim; ang kanilang mga mola ay dalawandaan at apatnapu't lima;
67ang kanilang mga kamelyo ay apatnaraan at tatlumpu't lima; ang kanilang mga asno ay anim na libo pitong daan at dalawampu.
68At ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan, nang sila'y dumating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nag-alay ng kusang-loob na handog para sa bahay ng Diyos, upang ito ay itayo sa lugar nito.
69Ayon sa kanilang kakayahan, sila ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain, ng animnapu't isang libong darikong ginto, limang libong librang pilak, at isandaang kasuotan ng mga pari.
70Ang#1 Cro. 9:2; Neh. 11:3 mga pari, mga Levita, at ang ilan sa taong-bayan ay nanirahan sa Jerusalem at sa paligid, at ang mga mang-aawit, mga bantay-pinto, at ang mga lingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.

Kasalukuyang Napili:

EZRA 2: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in