HOSEAS 14
14
Panawagan upang Magsisi
1O Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Diyos;
sapagkat ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.
2Magdala kayo ng mga salita,
at manumbalik kayo sa Panginoon;
sabihin ninyo sa kanya,
“Alisin mo ang lahat ng kasamaan,
tanggapin mo ang mabuti;
at aming ihahandog
ang bunga ng aming mga labi.
3Hindi kami ililigtas ng Asiria;
hindi kami sasakay sa mga kabayo;
hindi na kami magsasabi
sa gawa ng aming mga kamay, ‘Aming Diyos.’
Sa iyo'y nakakatagpo ng awa ang ulila.”
4Aking gagamutin ang kanilang pagtataksil,
malaya ko silang iibigin;
sapagkat ang aking galit ay naalis na sa kanila.
5Ako'y magiging tulad ng hamog sa Israel;
siya'y mamumukadkad gaya ng liryo,
at kakalat ang kanyang ugat tulad ng Lebanon.
6Ang kanyang mga sanga ay yayabong,
at ang kanyang kagandahan ay magiging gaya ng puno ng olibo,
at ang kanyang bango ay tulad ng Lebanon.
7Sila'y muling maninirahan sa kanyang lilim
sila'y lalago gaya ng trigo,
at mamumulaklak na gaya ng puno ng ubas,
at ang kanilang bango ay magiging gaya ng alak ng Lebanon.
8O Efraim, ano ba ang kinalaman ko sa mga diyus-diyosan?
Ako ang siyang sumasagot at nagbabantay sa iyo.#14:8 Sa Hebreo ay kanya.
Ako'y tulad sa sipres na laging luntian,
sa akin nanggagaling ang iyong bunga.
9Sinuman ang pantas, unawain niya ang mga bagay na ito;
sinumang may pang-unawa, alamin niya ang mga ito;
sapagkat ang mga daan ng Panginoon ay matuwid,
at nilalakaran ng mga taong matuwid,
ngunit natitisod sa mga iyon ang mga makasalanan.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 14: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: