JOEL 1
1
Ipinagluksa ng Bayan ang Pagkawasak ng mga Pananim
1Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel:
2Pakinggan ninyo ito, O matatanda,
pakinggan ninyo, kayong lahat na naninirahan sa lupain!
May nangyari na bang ganitong bagay sa inyong mga araw,
o sa mga araw ng inyong mga ninuno?
3Sabihin ninyo iyon sa inyong mga anak,
at ng inyong mga anak sa kanilang mga anak,
at ng kanilang mga anak sa susunod na salinlahi.
4Ang iniwan ng nagngangatngat na balang,
ay kinain ng kuyog na balang.
Ang iniwan ng kuyog na balang
ay kinain ng gumagapang na balang;
at ang iniwan ng gumagapang na balang
ay kinain ng maninirang balang.
5Gising, kayong mga maglalasing, at umiyak kayo;
tumangis kayo, kayong lahat na manginginom ng alak,
dahil sa matamis na alak
na inilayo sa inyong bibig.
6Sapagkat#Apoc. 9:8 ang isang bansa ay sumalakay sa aking lupain,
malakas at di mabilang,
ang kanyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon,
at siya'y may mga pangil ng babaing leon.
7Kanyang sinira ang aking puno ng ubas,
at sinibak ang aking puno ng igos;
kanyang binalatan at inihagis,
ang kanilang mga sanga ay pumuti.
8Managhoy ka na parang birheng may bigkis ng damit-sako
para sa asawa ng kanyang kabataan.
9Ang handog na butil at ang handog na inumin
ay inalis sa bahay ng Panginoon.
Ang mga pari na mga lingkod ng Panginoon
ay nagdadalamhati.
10Ang mga bukid ay sira,
ang lupain ay nagluluksa,
sapagkat ang trigo ay sira,
ang bagong alak ay natuyo
at ang langis ay kulang.
11Mahiya kayo, O kayong mga magsasaka,
tumangis kayong mga nag-aalaga ng ubasan,
dahil sa trigo at sebada;
sapagkat ang ani sa bukid ay nasira.
12Ang puno ng ubas ay natuyo,
at ang puno ng igos ay nalalanta.
Ang puno ng granada, ang puno ng palma at ang puno ng mansanas,
at lahat ng punungkahoy sa parang ay tuyo;
sapagkat ang kagalakan ay nawala
sa mga anak ng mga tao.
13Magbigkis kayo ng damit-sako at tumaghoy, O mga pari at tumaghoy,
manangis, kayong mga lingkod sa dambana.
Halikayo, palipasin ninyo ang magdamag na suot ang damit-sako,
O mga lingkod ng aking Diyos!
Sapagkat ang handog na butil at ang handog na inumin
ay ipinagkait sa bahay ng inyong Diyos.
14Magtakda kayo ng pag-aayuno,
tumawag kayo ng isang banal na pagtitipon.
Tipunin ninyo ang matatanda
at ang lahat ng naninirahan sa lupain
sa bahay ng Panginoon ninyong Diyos,
at dumaing kayo sa Panginoon.
15Kahabag-habag#Isa. 13:6 ang araw na iyon!
Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na,
at ito'y darating na gaya ng pagkawasak mula sa Makapangyarihan sa lahat.
16Hindi ba ang pagkain ay inalis
sa ating harapan,
ang kagalakan at kasayahan
mula sa bahay ng ating Diyos?
17Ang mga binhi ay natutuyo sa ilalim ng lupa,
ang mga kamalig ay walang laman,
ang mga imbakan ay wasak;
sapagkat walang trigo.
18Nag-uungalan ang mga hayop!
Ang mga kawan ng mga baka ay nalilito
sapagkat wala silang pastulan;
pati ang mga kawan ng tupa ay nagdurusa.
19O Panginoon, tumatawag ako sa iyo.
Sapagkat tinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang,
at sinunog ng apoy ang lahat ng punungkahoy sa parang.
20Maging ang mga hayop sa bukid ay humihingal sa iyo;
sapagkat ang mga tubig sa batis ay natutuyo,
at tinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.
Kasalukuyang Napili:
JOEL 1: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001