HOSEAS 7
7
1Kapag pagagalingin ko na ang Israel,
ang kasamaan nga ng Efraim ay mabubunyag,
at ang masasamang gawa ng Samaria;
sapagkat sila'y nandaraya,
ang magnanakaw ay nanloloob,
at ang mga tulisan ay nananamsam sa labas.
2Ngunit hindi nila isinasaalang-alang sa kanilang mga puso
na aking tinatandaan ang lahat nilang masasamang gawa.
Ngayo'y pinalilibutan sila ng kanilang sariling mga gawa;
sila'y nasa harap ko.
Sabwatan sa Palasyo
3Kanilang pinasasaya ang hari sa pamamagitan ng kanilang kasamaan,
at ng kanilang pagsisinungaling ang mga pinuno.
4Silang lahat ay mga mangangalunya;
sila'y parang pinainit na pugon,
na ang magtitinapay nito ay tumitigil sa pagpapaningas ng apoy,
mula sa paggawa ng masa hanggang sa ito'y malagyan ng pampaalsa.
5Nang araw ng ating hari ang mga pinuno
ay nagkasakit dahil sa tapang ng alak;
kanyang iniunat ang kanyang kamay kasama ng mga mapanlibak.
6Sapagkat sila'y nagniningas tulad ng isang pugon, habang sila'y nag-aabang,
ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag,
sa kinaumagaha'y lumalagablab na parang nagliliyab na apoy.
7Silang lahat ay mainit na parang pugon,
at nilalamon nila ang kanilang mga hukom.
Lahat ng kanilang mga hari ay nabuwal;
at wala ni isa sa kanila na tumatawag sa akin.
Ang Israel at ang mga Bansa
8Ang Efraim ay nakikisalamuha sa mga bansa;
ang Efraim ay isang tinapay na hindi binaligtad.
9Nilalamon ng mga dayuhan ang kanyang lakas,
at hindi niya ito nalalaman;
mga uban ay nakasabog sa kanya,
at hindi niya ito nalalaman.
10Ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo laban sa kanya;
gayunma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Diyos,
ni hinanap man siya, dahil sa lahat ng ito.
11At ang Efraim ay parang isang kalapati,
hangal at walang pang-unawa
sila'y tumatawag sa Ehipto, sila'y pumupunta sa Asiria.
12Habang sila'y humahayo, aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila;
akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid;
aking parurusahan sila ayon sa iniulat sa kanilang kapisanan.
13Kahabag-habag sila, sapagkat sila'y lumayo sa akin!
Ang pagkawasak ay sumakanila, sapagkat sila'y naghimagsik laban sa akin!
Tutubusin ko sana sila,
ngunit nagsasalita sila ng mga kasinungalingan laban sa akin.
14Sila'y hindi dumadaing sa akin mula sa kanilang puso,
kundi sila'y nananangis sa kanilang mga higaan;
sila'y nagtitipon dahil sa trigo at alak;
sila'y naghihimagsik laban sa akin.
15Kahit na aking sinanay at pinalakas ang kanilang mga bisig,
gayunma'y nagbalak sila ng masama laban sa akin.
16Sila'y nanunumbalik, ngunit hindi sa kanya na kataas-taasan;
sila'y parang mandarayang busog;
ang kanilang mga pinuno ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak
dahil sa poot ng kanilang dila.
Ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Ehipto.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 7: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: