HOSEAS 8
8
Hinatulan ang Israel sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
1Ilagay mo ang trumpeta sa iyong bibig.
Gaya ng agila ang kaaway ay dumarating laban sa bahay ng Panginoon,
sapagkat kanilang sinuway ang aking tipan,
at nilabag ang aking kautusan.
2Sila'y dumadaing sa akin,
“Diyos ko, kami ng Israel ay nakakakilala sa iyo.”
3Itinakuwil ng Israel ang mabuti,
hahabulin siya ng kaaway.
4Sila'y naglalagay ng mga hari, ngunit hindi sa pamamagitan ko.
Sila'y naglalagay ng mga prinsipe, ngunit wala akong kinalaman.
Sa kanilang pilak at ginto ay gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang sarili,
upang sila'y mapahiwalay.
5Kanyang itinakuwil ang iyong guya, O Samaria.
Ang aking galit ay nag-aalab laban sa kanila.
Kailan pa sila magiging mga walang sala?
6Sapagkat ito'y mula sa Israel,
ginawa ito ng manggagawa,
at ito'y hindi Diyos.
Ang guya ng Samaria
ay pagpuputul-putulin.
7Sapagkat sila'y naghahasik ng hangin,
sila'y mag-aani ng ipu-ipo.
Ang mga nakatayong trigo ay walang mga ulo,
hindi ito magbibigay ng butil;
at kung magbigay
ay lalamunin ito ng mga dayuhan.
8Ang Israel ay nilamon;
ngayo'y kasama na siya ng mga bansa
tulad sa sisidlang walang sinumang nalulugod.
9Sapagkat sila'y nagsiahon sa Asiria,
parang isang mailap na asno na nag-iisa;
ang Efraim ay may upahang mga mangingibig.
10Bagaman sila'y umuupa ng mga kapanalig sa mga bansa,
akin nga silang titipunin ngayon.
At sila'y magsimulang mangaunti
dahil sa kabigatan mula sa mga hari at ng mga pinuno.
11Sapagkat ang Efraim ay nagparami ng mga dambana upang magkasala
ang mga iyon sa kanya ay naging mga dambana para sa pagkakasala.
12Kahit isulat ko para sa kanya ang aking kautusan nang sampu-sampung libo,
ang mga iyon ay ituturing nilang kakatuwang bagay.
13Kahit maghandog sila ng mga piling alay,
bagaman kumain sila ng laman,
ang mga iyon ay hindi tinatanggap ng Panginoon.
Ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan,
at parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan;
sila'y babalik sa Ehipto.
14Sapagkat nilimot ng Israel ang Lumikha sa kanya,
at nagtayo ng mga palasyo,
at nagparami ang Juda ng mga lunsod na may kuta,
ngunit magsusugo ako ng apoy sa kanyang mga lunsod,
at tutupukin nito ang kanyang mga tanggulan.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 8: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: