ISAIAS 10
10
1Kahabag-habag sila na nag-uutos ng masasamang utos,
at ang mga manunulat na sumusulat ng mga pang-aapi.
2Upang ilayo sa katarungan ang nangangailangan,
at upang alisin ang karapatan ng dukha ng aking bayan,
upang ang mga babaing balo ay maging kanilang samsam,
at upang kanilang gawing mga biktima ang mga ulila!
3Ano ang inyong gagawin sa araw ng pagpaparusa,
sa bagyo na darating mula sa malayo?
Kanino kayo tatakas upang kayo'y tulungan,
at saan ninyo iiwan ang inyong kayamanan?
4Walang nalabi kundi ang mamaluktot na kasama ng mga bilanggo,
o mabubuwal na kasama ng mga napatay.
Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi,
kundi ang kanyang kamay ay laging nakaunat.
5Hoy,#Isa. 14:24-27; Nah. 1:1–3:19; Sef. 2:13-15 taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit,
siyang tungkod ng aking poot!
6Aking susuguin siya laban sa isang masamang bansa,
at laban sa bayan na aking kinapopootan ay inuutusan ko siya,
upang manamsam at manunggab,
at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7Gayunma'y hindi niya inaakalang gayon,
at hindi gayon ang iniisip ng kanyang puso;
ngunit ang nasa kanyang puso ang mangwasak,
at lipulin ang mga bansa na hindi kakaunti.
8Sapagkat kanyang sinasabi,
“Hindi ba ang aking mga punong-kawal ay haring lahat?
9Hindi ba ang Calno ay gaya ng Carquemis?
Hindi ba ang Hamat ay gaya ng Arpad?
Hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10Kung paanong nakaabot ang aking kamay hanggang sa mga kaharian ng mga diyus-diyosan,
na ang mga larawan nilang inanyuan ay mas marami kaysa Jerusalem at sa Samaria;
11hindi ko ba gagawin sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyosan,
ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyosan?”
12Kaya't kapag naisagawa ng Panginoon ang lahat niyang gawain sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, kanyang parurusahan ang palalong paghahambog ng hari ng Asiria, at ang kanyang mga mapagmataas na kapalaluan.
13Sapagkat kanyang sinabi:
“Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay
at sa aking karunungan, sapagkat ako'y may pang-unawa;
aking inalis ang mga hangganan ng mga tao,
at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan,
at parang matapang na toro na ibinaba ko ang mga nakaupo sa mga trono.
14At natagpuan ng aking kamay na parang pugad
ang mga kayamanan ng mga tao;
kaya't aking pinulot ang buong lupa
na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan,
at walang nagkilos ng pakpak,
o nagbuka man ng bibig o sumiyap.”
15Magmamapuri ba ang palakol laban sa gumagamit niyon?
O magmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyon?
Na parang dapat itaas ng pamalo ang nagtataas niyon,
o na parang dapat itaas ng tungkod siya na hindi kahoy.
16Kaya't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo,
ay magpaparating ng nakapanghihinang karamdaman sa kanyang matatabang mandirigma
at sa ilalim ng kanyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas
na gaya ng ningas ng apoy.
17At ang liwanag ng Israel ay magiging apoy,
at ang kanyang Banal ay pinakaliyab;
at susunugin at lalamunin nito
ang kanyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw.
18At kanyang wawasakin ang kaluwalhatian ng kanyang gubat,
at ng kanyang mabungang lupain,
ang kaluluwa at gayundin ang katawan; at magiging gaya ng maysakit na nanghihina.
19At ang nalabi sa mga punungkahoy ng kanyang gubat ay mangangaunti,
na ang mga iyon ay kayang bilangin ng bata.
20At sa araw na iyon, ang nalabi sa Israel at ang nakatakas sa sambahayan ni Jacob, hindi na magtitiwala pa uli sa kanya na nanakit sa kanila; kundi magtitiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21Ang isang nalabi ay babalik, ang nalabi ng Jacob, sa makapangyarihang Diyos.
22Sapagkat#Ro. 9:27 bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, tanging ang nalabi lamang sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naiutos na, na inaapawan ng katuwiran.
23Sapagkat ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay gagawa ng lubos na kawakasan, gaya ng inuutos, sa gitna ng buong lupa.
Sumama rin ang Asiria
24Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, “O bayan kong tumatahan sa Zion, huwag kayong matakot sa taga-Asiria kapag kayo ay sinaktan ng pamalo at itaas ang kanyang tungkod laban sa iyo, gaya ng ginawa ng mga Ehipcio.
25Sapagkat kaunting panahon na lamang at ang aking pagkagalit ay matatapos na, at ang aking galit ay matutuon sa kanilang ikawawasak.
26Ang Panginoon ng mga hukbo ay hahawak ng panghampas laban sa kanila, gaya nang kanyang paluin ang Midian sa bato ng Oreb. At ang kanyang panghampas ay aabot sa dagat, at kanyang itataas na gaya ng kanyang ginawa sa Ehipto.
27At sa araw na iyon, ang pasan niya ay mawawala sa iyong balikat, at ang kanyang pamatok ay mawawasak mula sa iyong leeg.”
Siya ay umahon mula sa Rimon.
28Siya'y dumating sa Ajad,
siya'y nagdaan sa Migron;
itinabi niya sa Micmash ang kanyang mga dala-dalahan.
29Sila'y nakatawid sa landas;
sila'y nagpalipas ng gabi sa Geba.
Ang Rama ay nanginginig;
ang Gibea ni Saul ay tumakas.
30Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Galim!
Makinig ka, O Lais!
Sagutin mo siya, O Anatot!
31Ang Madmena ay nasa pagtakas,
ang mga nananahan sa Gebim ay nagsisitakas upang maligtas.
32Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob;
kanyang kakalugin ang kanyang kamao
sa bundok ng anak na babae ng Zion,
na burol ng Jerusalem.
33Tingnan mo, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo,
ang mga sanga sa pamamagitan ng kakilakilabot na kapangyarihan,
at ang napakataas ay ibubuwal
at ang matatayog ay ibababa.
34Kanyang puputulin ang mga sukal ng gubat sa pamamagitan ng palakol,
at ang Lebanon at ang maharlika nitong mga puno ay babagsak.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 10: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: