ISAIAS 11
11
Mapayapang Kaharian
1May#Apoc. 5:5; 22:16 usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse,
at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat.
2At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya,
ang diwa ng karunungan at ng unawa,
ang diwa ng payo at ng kapangyarihan,
ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;
3at ang kanyang kalulugdan ay ang takot sa Panginoon.
Hindi siya hahatol ng ayon sa nakikita ng kanyang mga mata,
ni magpapasiya man ng ayon sa narinig ng kanyang mga tainga.
4Kundi#2 Tes. 2:8 sa katuwiran ay hahatulan niya ang dukha,
at magpapasiya na may karampatan para sa maaamo sa lupa.
Sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kanyang bibig,
at sa hinga ng kanyang mga labi ay kanyang papatayin ang masama.
5Katuwiran#Ef. 6:14 ang magiging bigkis ng kanyang baywang,
at katapatan ang pamigkis ng kanyang mga balakang.
6At#Isa. 65:25 ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero,
at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo,
ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama;
at papatnubayan sila ng munting bata.
7Ang baka at ang oso ay manginginain;
ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping;
at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.
8Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas,
at ang batang kahihiwalay sa suso ay isusuot ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
9Hindi#Heb. 2:14 sila mananakit o maninira man
sa aking buong banal na bundok:
sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon,
gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
10At#Ro. 15:12 sa araw na iyon ang ugat ni Jesse ay tatayo bilang sagisag ng mga bayan, siya ay hahanapin ng mga bansa; at ang kanyang tirahan ay magiging maluwalhati.
11At sa araw na iyon ay muling iuunat ng Panginoon ang kanyang kamay upang mabawi ang nalabi sa kanyang bayan, mula sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, mula sa Elam, Shinar, Hamat, at mula sa mga lupain sa baybayin ng dagat.
12Siya'y maglalagay ng sagisag para sa mga bansa,
at titipunin niya ang mga ipinatapon mula sa Israel,
at titipunin ang mga nangalat ng Juda
mula sa apat na sulok ng lupa.
13Ang paninibugho ng Efraim ay maaalis,
ang panliligalig ng Juda ay tatanggalin,
ang Efraim ay hindi maninibugho sa Juda,
at ang Juda ay hindi manliligalig sa Efraim.
14Ngunit sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kanluran,
at magkasamang mananamsam sila sa mga tao ng silangan.
Kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab;
at susundin sila ng mga anak ni Ammon.
15At#Apoc. 16:12 lubos na wawasakin ng Panginoon
ang dila ng dagat ng Ehipto;
at iwawasiwas ang kanyang kamay sa Ilog
ng kanyang nakakapasong hangin,
at gagawing pitong daluyan,
at gumawa ng daan upang makaraang naglalakad;
16at magkakaroon ng isang lansangan mula sa Asiria,
para sa nalabi sa kanyang bayan,
gaya ng nangyari sa Israel
nang araw na sila'y umahon mula sa lupain ng Ehipto.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 11: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: