ISAIAS 52
52
Tutubusin ng Diyos ang Jerusalem
1Gumising#Apoc. 21:2, 27 ka, gumising ka!
Magsuot ka ng iyong kalakasan, O Zion.
Magsuot ka ng iyong magagandang damit,
O Jerusalem, ang banal na lunsod,
sapagkat ang hindi tuli at ang marumi
ay hindi na muling papasok sa iyo.
2Magpagpag ka ng alabok, ikaw ay bumangon,
O bihag na Jerusalem.
Kalagin mo ang tali sa iyong leeg,
O bihag na anak na babae ng Zion.
3Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: “Kayo'y ipinagbili sa wala, at kayo'y tutubusin na walang salapi.
4Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Ehipto upang makipamayan doon, at inapi sila ng mga taga-Asiria ng walang kadahilanan.
5Ngayon#Ro. 2:24 anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon. Yamang ang aking bayan ay dinala nang walang dahilan? Ang mga namumuno sa kanila ay umuungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan ay laging hinahamak sa buong araw.
6Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan. Malalaman nila sa araw na iyon, na ako ang nagsasalita. Narito ako.”
7Napakaganda#Nah. 1:15; Ro. 10:15; Ef. 6:15 sa mga bundok
ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan,
na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan,
na naghahayag ng kaligtasan,
na nagsasabi sa Zion, “Ang iyong Diyos ay naghahari!”
8Pakinggan mo! Inilakas ng mga bantay ang kanilang tinig,
na magkakasamang nagsisiawit sa kagalakan;
sapagkat makikita ng sarili nilang mga mata
ang pagbalik ng Panginoon sa Zion.
9Magalak kayong bigla, kayo'y umawit na magkakasama,
kayong mga sirang dako ng Jerusalem;
sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang bayan,
kanyang tinubos ang Jerusalem.
10Hinubaran ng Panginoon ang kanyang banal na bisig
sa mga mata ng lahat na bansa;
at makikita ng lahat ng dulo ng lupa
ang pagliligtas ng ating Diyos.
11Kayo'y#2 Cor. 6:17 humayo, kayo'y humayo! Kayo'y umalis doon,
huwag kayong humipo ng maruming bagay.
Kayo'y lumabas sa gitna niya, kayo'y magpakalinis,
kayong nagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
12Sapagkat kayo'y hindi lalabas na nagmamadali,
o lalabas man kayo dahil sa pagtakas,
sapagkat ang Panginoon ay mauuna sa inyo;
at ang Diyos ng Israel ay magiging inyong bantay sa likod.
Ang Nagdurusang Lingkod ng Panginoon
13Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay,
siya'y dadakilain at itataas,
at magiging napakataas.
14Kung paanong marami ang namangha sa kanya#52:14 Sa Hebreo ay iyo.—
ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao,
at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—
15gayon#Ro. 15:21 siya magwiwisik sa maraming bansa;
ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya;
sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita,
at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 52: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: