ISAIAS 53
53
1Sinong#Ro. 10:16; Jn. 12:38 naniwala sa aming narinig?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
2Sapagkat siya'y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim,
at gaya ng ugat sa tuyong lupa.
Siya'y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya,
at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya.
3Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao;
isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan;
at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao,
siya'y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.
4Tunay#Mt. 8:17 na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman,
at dinala ang ating mga kalungkutan;
gayunma'y ating itinuring siya na hinampas,
sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
5Ngunit#1 Ped. 2:24 siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway,
siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan;
ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan,
at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
6Tayong#1 Ped. 2:25 lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
ang lahat nating kasamaan.
7Siya'y#Apoc. 5:6 #Gw. 8:32, 33 inapi, at siya'y sinaktan,
gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
8Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.
9At#1 Ped. 2:22 ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama,
at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
bagaman hindi siya gumawa ng karahasan,
o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.
10Gayunma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya;
kanyang inilagay siya sa pagdaramdam;
kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan,
makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw;
at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.
11Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa,
at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami,
at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.
12Kaya't#Mc. 15:28; Lu. 22:37 hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila,
at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas;
sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan,
at ibinilang na kasama ng mga lumalabag;
gayunma'y pinasan niya ang kasalanan ng marami,
at namagitan para sa mga lumalabag.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 53: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: