ISAIAS 63
63
Ang Tagumpay ng Panginoon
1Sino#Isa. 34:5-17; Jer. 49:7-22; Ez. 25:12-14; 35:1-15; Amos 1:11, 12; Oba. 1-14; Mal. 1:2-5 ito na nanggagaling sa Edom,
na may mga kasuotang matingkad na pula mula sa Bosra?
Siya na maluwalhati sa kanyang suot,
na lumalakad sa kadakilaan ng kanyang lakas?
“Ako iyon na nagsasalita ng katuwiran,
makapangyarihang magligtas.”
2Bakit pula ang iyong kasuotan,
at ang iyong damit ay gaya niyong yumayapak sa pisaan ng alak?
3“Aking#Apoc. 14:20; 19:15; Apoc. 19:13 niyapakan ang pisaan ng alak na mag-isa,
at mula sa mga bayan ay wala akong kasama;
sa aking galit ay akin silang niyapakan,
at sa aking poot ay akin silang niyurakan;
at ang kanilang dugo ay tumilamsik sa mga suot ko,
at namantsahan ang lahat ng suot ko.
4Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso,
at ang aking taon ng pagtubos ay dumating.
5Ako'y#Isa. 59:16 tumingin, ngunit walang sinumang tutulong,
ako'y namangha ngunit walang umalalay;
kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay,
at ang aking poot sa akin ay umalalay.
6Aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit,
nilasing ko sila sa aking poot,
at ibinuhos ko sa lupa ang kanilang dugo.
Ang Kabutihan ng Panginoon sa Israel
7Aking aalalahanin ang kagandahang-loob ng Panginoon,
at ang mga kapurihan ng Panginoon,
ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin,
at ang dakilang kabutihan na kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel
na kanyang ipinagkaloob sa kanila ayon sa kanyang kaawaan,
at ayon sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob.
8Sapagkat kanyang sinabi, “Tunay na sila'y aking bayan,
mga anak na hindi gagawang may kasinungalingan;
at siya'y naging kanilang Tagapagligtas.
9Sa lahat nilang pagdadalamhati ay nadalamhati siya,
at iniligtas sila ng anghel na nasa kanyang harapan;
sa kanyang pag-ibig at sa kanyang pagkaawa ay tinubos niya sila;
at kanyang itinaas at kinalong sila sa lahat ng mga araw noong una.
10Ngunit sila'y naghimagsik,
at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu;
kaya't siya'y naging kaaway nila,
at siya mismo ay lumaban sa kanila.
11Nang magkagayo'y naalala ng kanyang bayan ang mga araw nang una,
tungkol kay Moises.
Nasaan siya na nag-ahon mula sa dagat,
na kasama ng mga pastol ng kanyang kawan?
Nasaan siya na naglagay sa gitna nila
ng kanyang Banal na Espiritu?
12Sinong#Exo. 14:21 naglagay ng kanyang maluwalhating bisig
na humayong kasama ng kanang kamay ni Moises,
na humawi ng tubig sa harapan nila,
upang gumawa para sa kanyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13Sinong pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman?
Gaya ng isang kabayo sa ilang
ay hindi sila natisod.
14Gaya ng kawan na bumababa sa libis,
ay pinapagpapahinga sila ng Espiritu ng Panginoon.
Gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan,
upang gumawa para sa iyong sarili ng isang maluwalhating pangalan.
15Tumingin ka mula sa langit, at iyong masdan,
mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan.
Nasaan ang iyong sigasig at ang iyong kapangyarihan?
Ang hangad ng iyong puso at ang iyong habag
ay iniurong mo sa akin.
16Sapagkat ikaw ay aming Ama,
bagaman hindi kami nakikilala ni Abraham,
at hindi kami kinikilala ng Israel.
Ikaw, O Panginoon, ay aming Ama,
aming Manunubos noong una pa ay ang iyong pangalan.
17O Panginoon, bakit mo kami iniligaw sa iyong mga daan,
at pinapagmatigas mo ang aming puso na anupa't hindi kami natakot sa iyo?
Ikaw ay magbalik alang-alang sa iyong mga lingkod,
na mga lipi ng iyong mana.
18Inaring sandali lamang ng iyong banal na bayan ang santuwaryo,
niyapakan ito ng aming mga kaaway.
19Kami ay naging gaya ng mga hindi mo pinamahalaan kailanman,
gaya ng mga hindi tinatawag sa iyong pangalan.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 63: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001