Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 26

26
Ang Mensahe sa Bulwagan ng Templo
1Nang#2 Ha. 23:36–24:6; 2 Cro. 36:5-7 pasimula ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, dumating ang salitang ito mula sa Panginoon, na sinasabi:
2“Ganito ang sabi ng Panginoon: Tumayo ka sa bulwagan ng bahay ng Panginoon at sabihin mo sa lahat ng mga lunsod ng Juda na dumarating upang sumamba sa bahay ng Panginoon ang lahat ng salita na iniutos ko sa iyo na sabihin sa kanila. Huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
3Marahil ay makikinig sila, at bawat tao ay tatalikod sa kanyang masamang lakad; upang baguhin ko ang aking isip tungkol sa kasamaan na aking pinanukalang gawin dahil sa kanilang masasamang gawa.
4Sasabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung hindi kayo makikinig sa akin, upang lumakad sa aking kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo,
5at pakinggan ang mga salita ng aking mga lingkod na propeta, na kaagad kong sinugo, bagama't hindi ninyo pinakinggan,
6ay#Jos. 18:1; Awit 78:60; Jer. 7:12-14 akin ngang gagawing gaya ng Shilo ang bahay na ito, at gagawin kong sumpa ang lunsod na ito para sa lahat ng mga bansa sa lupa.’”
7At narinig ng mga pari, ng mga propeta, at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
Nilitis si Jeremias
8Nang matapos si Jeremias sa pagsasalita ng lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya na sabihin sa buong bayan, dinakip siya ng mga pari, ng mga propeta, at ng buong bayan, na sinasabi, “Ikaw ay tiyak na mamamatay!
9Bakit ka nagsalita ng propesiya sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, ‘Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Shilo, at ang lunsod na ito ay mawawasak, na walang maninirahan?’” At ang lahat ng taong-bayan ay pumalibot kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
10Nang mabalitaan ng mga pinuno ng Juda ang mga bagay na ito, sila'y umakyat sa bahay ng Panginoon mula sa bahay ng hari at sila'y umupo sa pasukan ng Bagong Pintuan ng bahay ng Panginoon.
11Nang magkagayo'y nagsalita ang mga pari at ang mga propeta sa mga pinuno at sa buong bayan, na sinasabi, “Ang taong ito ay nararapat sa hatol na kamatayan, sapagkat siya'y nagsalita ng propesiya laban sa lunsod na ito, gaya nang narinig ng inyong mga pandinig.”
12Pagkatapos ay nagsalita si Jeremias sa lahat ng pinuno at sa buong bayan, na sinasabi, “Sinugo ako ng Panginoon upang magsalita ng propesiya laban sa bahay na ito at laban sa lunsod na ito ng lahat ng mga salita na inyong narinig.
13Kaya't ngayo'y baguhin ninyo ang inyong mga lakad at mga gawa, at sundin ninyo ang tinig ng Panginoon ninyong Diyos; at babaguhin ng Panginoon ang kanyang isip tungkol sa kasamaan na kanyang ipinahayag laban sa inyo.
14Ngunit tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay. Gawin ninyo sa akin ang inaakala ninyong mabuti at matuwid sa inyo.
15Tandaan lamang ninyo na kapag ako'y inyong pinatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyong sarili at sa lunsod na ito at sa mga mamamayan nito, sapagkat totoong sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang sabihin ang lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pandinig.”
16At sinabi ng mga pinuno at ng buong bayan sa mga pari at sa mga propeta, “Ang taong ito ay hindi nararapat sa hatol na kamatayan, sapagkat siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Diyos.”
17Ang ilan sa matatanda ng lupain ay tumindig at nagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nagsasabi,
18“Si#Mik. 3:12 Micaias na Morastita ay nagsalita ng propesiya sa mga araw ni Hezekias na hari ng Juda, at sinabi sa buong bayan ng Juda: ‘Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
Ang Zion ay aararuhing parang bukid;
ang Jerusalem ay magiging bunton ng mga guho
at ang bundok ng bahay ay magiging mataas na dako ng isang gubat.’
19Ipinapatay ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba't natakot siya sa Panginoon at hiniling ang lingap ng Panginoon, at hindi ba't nagbago ng isip ang Panginoon tungkol sa kasamaan na kanyang ipinahayag laban sa kanila? Ngunit malapit na tayong magdala ng malaking kasamaan laban sa ating mga sarili.”
20May isa pang lalaki na nagsalita ng propesiya sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Shemaya na taga-Kiryat-jearim. Siya'y nagsalita ng propesiya laban sa lupaing ito sa mga salitang katulad ng kay Jeremias.
21Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat niyang mga mandirigma, at mga pinuno ang kanyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya. Ngunit nang ito'y marinig ni Urias, siya'y natakot, tumakbo, at tumakas patungong Ehipto.
22At si Haring Jehoiakim ay nagsugo ng mga tauhan sa Ehipto, sina Elnatan na anak ni Acbor, at ilan pang mga kasama niya.
23Kanilang kinuha si Urias sa Ehipto, at dinala siya kay Haring Jehoiakim, na pumatay sa kanya sa pamamagitan ng tabak at itinapon ang kanyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.
24Ngunit ang kamay ni Ahikam na anak ni Safan ay sumasa kay Jeremias, anupa't hindi siya naibigay sa mga kamay ng taong-bayan upang patayin.

Kasalukuyang Napili:

JEREMIAS 26: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in