Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 14:16-20

JUAN 14:16-20 ABTAG01

At hihingin ko sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Mang-aaliw, upang makasama ninyo siya magpakailanman. Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan; sapagkat siya'y hindi nito nakikita o nakikilala man. Siya'y nakikilala ninyo, sapagkat siya'y nananatiling kasama ninyo at siya ay mapapasa inyo. Hindi ko kayo iiwang nag-iisa, ako'y darating sa inyo. Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako; sapagkat ako'y nabubuhay ay mabubuhay rin kayo. Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.