Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 11

11
Ang Sinabi ni Zofar Tungkol kay Job
1Nang magkagayo'y sumagot si Zofar na Naamatita, at sinabi,
2“Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita?
At mapawalang-sala ang lalaking madada?
3Patatahimikin ba ang mga tao ng iyong kangangawa,
wala bang hihiya sa iyo kapag ikaw ay nanunuya?
4Sapagkat iyong sinasabi, ‘Ang aking aral ay dalisay,
at ako'y malinis sa iyong mga mata!’
5Ngunit ang Diyos nawa'y magsalita,
at ibuka ang kanyang mga labi sa iyo;
6at ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan!
Pagka't siya ay sagana sa kaunawaan.
Alamin mo na sinisingil ka ng Diyos ng kulang pa kaysa nararapat sa iyong kasalanan.
7“Matatagpuan mo ba ang malalalim na bagay ng Diyos?
Matatagpuan mo ba ang hangganan ng Makapangyarihan sa lahat?
8Ito ay mataas kaysa langit; anong iyong magagawa?
Malalim kaysa Sheol—anong iyong malalaman?
9Ang sukat nito ay mas mahaba kaysa lupa,
at mas malawak kaysa dagat.
10Kung siya'y dumaan, at magbilanggo,
at tumawag ng paglilitis, sinong makakapigil sa kanya?
11Sapagkat nakikilala niya ang mga taong walang kabuluhan,
kapag nakakita siya ng kasamaan, hindi ba niya ito isasaalang-alang?
12Ngunit ang taong hangal ay magkakaroon ng pagkaunawa,
kapag ang asno ay ipinanganak na tao.
Pinapaglilinis ni Zofar si Job sa mga Kasalanan
13“Kung itutuwid mo ang iyong puso,
iuunat mo ang iyong kamay sa kanya.
14Kung ang kasamaan ay nasa iyong kamay, ilayo mo ito,
at huwag nawang manirahan ang kasamaan sa iyong mga tolda.
15Walang pagsala ngang itataas mo ang iyong mukha na walang kapintasan;
ikaw ay hindi matatakot at magiging tiwasay.
16Malilimutan mo ang iyong kahirapan,
iyong maaalala ito na parang tubig na umagos.
17At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kaysa katanghalian
at magiging gaya ng umaga ang kanyang kadiliman.
18At ikaw ay mapapanatag sapagkat may pag-asa;
ikaw ay mapapangalagaan, at tiwasay kang magpapahinga.
19Ikaw nama'y hihiga at walang mananakot sa iyo;
maraming hihingi ng kalinga mo.
20Ngunit ang mga mata ng masama ay manghihina,
at mawawalan sila ng daang tatakasan,
at ang kanilang pag-asa ay hininga'y malagutan.”

Kasalukuyang Napili:

JOB 11: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in