JOB 31
31
Iginiit ni Job ang Kanyang Katapatan
1“Ako'y nakipagtipan sa aking mga paningin;
paano nga akong titingin sa isang birhen?
2Ano ang bahagi ko mula sa Diyos sa itaas,
at ang aking mana mula sa Makapangyarihan sa lahat sa kaitaasan?
3Hindi ba dumarating ang kapahamakan sa taong masasama,
at ang kapahamakan sa mga masasama ang gawa?
4Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5“Kung ako'y lumakad ng may kabulaanan,
at ang aking paa ay nagmadali sa panlilinlang;
6timbangin ako sa matuwid na timbangan,
at hayaang malaman ng Diyos ang aking katapatan!
7Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
at kung ang anumang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
8kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang iba ang kumain,
at hayaang mabunot ang tumutubo para sa akin.
9“Kung natukso sa babae ang puso ko,
at ako'y nag-abang sa pintuan ng aking kapwa tao;
10kung magkagayo'y hayaang iba ang ipaggiling ng aking asawa,
at hayaang iba ang yumuko sa ibabaw niya.
11Sapagkat isang napakabigat na pagkakasala iyon,
isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom;
12sapagkat iyo'y isang apoy na tumutupok hanggang sa Abadon,
at susunugin nito hanggang sa ugat ang lahat ng aking bunga.
13“Kung tinanggihan ko ang kapakanan ng aking aliping lalaki o babae,
nang sila'y dumaing laban sa akin,
14ano nga ang aking gagawin kapag ang Diyos ay bumangon?
Kapag siya'y nagtatanong, anong sa kanya'y aking itutugon?
15Hindi ba siya na lumalang sa akin sa bahay-bata ang sa kanya'y lumalang?
At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa sinapupunan?
16“Kung pinagkaitan ko ng anumang kanilang nasa ang dukha,
ang mga mata ng babaing balo ay aking pinapanghina,
17o ang aking pagkain ay kinain kong mag-isa,
at hindi nakakain niyon ang ulila—
18dahil, mula sa kanyang pagkabata ay pinalaki ko siya, na gaya ng isang ama,
at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng kanyang ina;
19kung ako'y nakakita ng namatay dahil sa kakulangan ng suot,
o ng taong dukha na walang saplot;
20kung hindi ako binasbasan ng kanyang mga balakang,
at kung sa balahibo ng aking mga tupa ay hindi siya nainitan;
21kung laban sa ulila'y binuhat ko ang aking kamay,
sapagkat nakakita ako ng tulong sa akin sa pintuan,
22kung gayo'y malaglag nawa ang buto ng aking balikat mula sa balikat ko,
at ang aking bisig ay mabali sa pinaglalagyan nito.
23Sapagkat ang pagkasalanta mula sa Diyos ay aking kinatakutan,
at hindi ko sana naharap ang kanyang kamahalan.
24“Kung ako'y sa ginto nagtiwala,
o tinawag ang dalisay na ginto na aking pag-asa,
25kung ako'y nagalak sapagkat ang aking kayamanan ay malaki,
o sapagkat ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26kung ako'y tumingin sa araw kapag sumisilang,
o sa buwan na gumagalaw na may karilagan,
27at lihim na naakit ang aking puso,
at hinagkan ng aking bibig ang kamay ko,
28ito man ay kasamaang dapat parusahan ng mga hukom,
sapagkat ako sana'y naging sinungaling sa Diyos na nasa itaas.
29“Kung ako'y nagalak sa pagkawasak niyong sa akin ay nasuklam,
o natuwa nang datnan siya ng kasamaan—
30hindi ko hinayaang ang bibig ko'y magkasala,
sa paghingi na may sumpa ng buhay niya—
31kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
‘Sino bang hindi nabusog sa kanyang pagkain?’
32ang dayuhan ay hindi tumigil sa lansangan;
binuksan ko ang aking mga pinto sa manlalakbay—
33kung aking ikinubli sa mga tao ang aking mga paglabag,
sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34sapagkat aking kinatakutan ang napakaraming tao,
at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan,
na anupa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35o sana'y may duminig sa akin!
(Narito ang aking pirma! Sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat!)
At sana'y nasa akin ang sakdal na isinulat ng aking kaaway!
36Tiyak na papasanin ko ito sa aking balikat;
itatali ko sa akin na gaya ng isang korona;
37aking ipahahayag sa kanya ang lahat kong mga hakbang,
gaya ng isang pinuno ay lalapitan ko siya.
38“Kung ang aking lupain ay sumigaw laban sa akin,
at ang mga bungkal niyon ay umiyak na magkakasama;
39kung kumain ako ng bunga niyaon na hindi nagbabayad,
at naging dahilan ng pagkamatay ng mga may-ari niyon;
40tubuan nawa ng dawag sa halip ng trigo,
at ng masasamang damo sa halip ng sebada.”
Ang mga salita ni Job ay natapos.
Kasalukuyang Napili:
JOB 31: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: